Chapter Eight

663K 10K 553
                                    

Lana's POV


Hindi ako nakakilos nang lumapat ang mga labi ni Jace sa mga labi ko. Mariin ang pagkakahalik niya na para bang matagal niya nang gustong gawin yun. Pero syempre nag-iilusyon lang ako, hinalikan niya lang ako dahil sa sobrang pagkapikon niya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang humiwalay siya. Parang nabibingi na nga ako sa lakas nun. Nakatitig lang sa akin si Jace na para bang hindi niya maintindihan ang nangyayari. Ilang sandali rin siyang ganun hanggang sa unti-unti siyang lumapit. Parang lalo pang nagrigudon ang puso ko habang palapit nang palapit ang mukha niya sa akin. At sa isang iglap, magkalapat na ulit ang mga labi namin.

Marahan lang yun hindi tulad ng una. Hindi ko na rin namalayan kung gaano yun katagal. Basta namalayan ko na lang na humihingal kami pareho sa paghahabol ng hininga. Napatitig ako sa mga mata niya. Parang may kung ano dun na hindi ko maipaliwanag. Umatras ako ng kaunti at nasipa ko yung maliit na upuan na tinutuntungan ko kanina. Tila nagising ako at naisip ang pinaggagagawa ko.

Napapikit ako ng mariin at naramdaman kong uminit ang mukha ko.

"Ahm, Sir, babalik na ako sa baba," sabi ko sabay takbo.

Sa dati kong kwarto ako pumasok para makababa sa maid's quarters. Magka-share kasi yun at yung kwarto ni Jace sa balcony. Doon ko rin idinaan yung mga ginamit ko kanina sa panti-trip ko sa kanya.

Shit! What just happened? Bakit hindi man lang ako pumalag nang halikan niya ako? And much worse e dalawang beses pa!

Sinampal-sampal ko pa ng mahina ang mukha ko para masigurong gising nga ako. Sa kasamaang palad, gising nga ako, so totoong nangyari ang mga yun. Ang balak ko lang naman sana e asarin siya kaya ko ginawa yun. Napu-frustrate kasi ako kanina sa inis sa kanya kaya natripan kong linisin yung bodega. Doon ko nakita yung traje na suot ko. Kay Mama Jessy 'to, yung Mama ni Jace, at ipapasuot sana sa akin dati sa kasal ko. Pero hindi ko nagustuhan kaya nagpagawa na lang kami ng bago.

Matangkad si Mama Jessy kaya naman lagpas-lagpas sa paa ko yung traje na sumakto naman sa taas ng upuan na tinuntungan ko. Hawak ko yung extension kanina na may pindutan kaya sabay bumukas yung electric fan at flash light.

"Waaaah!!" Sumandal ako sa pinto ng kwarto. "Bakit ko pa ba kasi ginawa yun?"

~*~

Maaga na akong nagising kinabukasan. Err... actually, hindi ako nakatulog. Bukod sa ayoko nang mapagalitan ulit e hindi mawala-wala sa isip ko yung halik ni Jace. Arrgh! Hindi yun ang hindi ko makalimutan! Erase! Erase! Nahihiya lang ako sa pinaggagagawa ko!

Minadali ko ang paghahanda ng almusal para sana pagaba ba ni Jace e nasa kwarto na ako. Ayokong mag-abot kami rito sa kusina. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan. Halos patakbo akong lumabas ng kusina nang marinig ko yung pagbaba niya ng hagdan. Pero huli na ako at nakasalubong ko na siya.

"Good morning, Hon!" malapad ang ngiting bati niya sa akin. Kakaligo niya lang at nagpupunas pa siya ng basang buhok gamit yung tuwalyang hawak niya.

Inirapan ko siya saka nilagpasan. Pero bago pa man ako makahakbang e nahila niya na ako sa braso. "Kumain ka na? Hindi mo man lang ako hinintay?" Hinaluan niya pa ng pagtatampo yung boses niya.

Pinaningkitan ko siya ng mata. Halata naman kasing nang-aasar lang siya e.

"Maliligo na ako, bitiwan mo na lang yung braso ko," naiinis na sabi ko.

"Ayan, hindi ka pa sumabay sa akin pagpaligo. 'Di sana nakatipid pa tayo sa tubig." Nang tumingin ulit ako sa kanya ng masama e tumawa siya ng malakas saka ako hinila pabalik sa kusina. "Sabayan mo ako. Alam kong hindi ka pa kumakain."

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon