Chapter Six

678K 10.5K 1.8K
                                    


Nakailang tunog na 'yung cellphone ko na ginawa kong alarm clock sa tabi ko pero ayoko pa ring bumangon. Ang aga-aga pa e, hindi ako sanay gumising ng ganito. Tinignan ko yun, five thirty pa lang ng madaling araw. Normally kasi alas syete pa ako ng umaga bumabangon since malapit lang naman yung tinitirhan ko sa opisina dati.

Pinindot ko yung snooze saka pumikit. Ten minutes pa...

Bumangon na ako at nagsimulang maghalungkat sa ref ng iluluto. Nauwi ako sa pagpi-prito ng bacon, egg at pagsasangag ng kanin. Naaalala ko kasing gustong-gusto ni Jace ng sinangag na niluluto ko dati, yung maraming bawang. Nagpainit na rin ako ng kape para itimpla siya ng timplang gusto niya... black without sugar. Pero teka... yun pa rin kaya ang gusto niya? Ay bahala na!

After thirty minutes, nakahanda na ang hapag kaya kinatok ko na si Jace sa kwarto niya. Bihis na siya ng kulay dark green na polo shirt na tinernuhan niya ng black na slacks. Nakarolyo pa yung sleeves niya hanggang sa may siko kaya kita yung magandang hubog ng braso niya. Err, ano daw?

"Uhm, h-handa na po yung pagkain."

"Okay." Isinara niya na ang pinto at nagpatiuna sa pagbaba. Ako naman nakatunganga pa rin sa likod niya habang pababa siya ng hagdan. Ang ganda ng likod niya ha, in fairness.

Nakaupo na siya sa pwesto niya pagkabalik ko sa kusina. As usual, hindi ako kumuha ng pinggan dahil sa so called rule na hindi dapat sumabay ang katulong sa amo pagkain.

"Sabayan mo na akong kumain, Hon," ani Jace.

Err? Ano daw? Did he just say 'Hon'??

"H-huh?" naguguluhang tanong ko.

"Sabi ko sabay na tayong kumain." Ngumiti pa siya ng malapad pagkasabi nun. Yun bang ngiting pwede mo nang ulamin? Ha-ha! Naku, wag kang ganyan Jace baka ikaw ang kainin ko! Err, pffft!

"Uhm, may nakakatawa ba?" tanong niya.

Mabilis ang ginawa kong pag-iling saka kumuha ng pinggan at naupo. Mahirap na, baka biglang magbago ang isip ng isang 'to.

"Hmmn, ang sarap mo talagang magluto, Hon," nakangiting baling niya sa akin. "The best! Ang swerte ko talaga at ikaw ang napangasawa ko."

Natulala ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya. Nakatingin pa rin siya sa akin habang malapad ang ngiti niya saka unti-unting inilapit niya ang mukha niya sa akin. Literally, pinigilan ko ang paghinga ko. He's going to kiss me, oh my God! He's going to kiss me! I closed my eyes, waiting for our lips to meet.

Sobrang lapit na ng mga labi namin sa isa't-isa nang may malakas na kalabog akong narinig. Pero wala akong pakialam, hindi ko iminulat ang mga mata ko at hinihintay ko pa rin ang halik ni Jace. Teka nga, bakit ang tagal naman 'ata?

Kumalabog na naman ang kung anong mang kahoy na yun na narinig ko kanina. Kumakatok ba yun? Bakit parang padabog?

"Lana!" narinig ko pang sigaw ng kung sino.

"Hmmn, sige na Jace halikan mo na ako."

"Lana, ano ba? Gumising ka na d'yan!"

Biglaan ang ginawa kong pagdilat para lang matanto na nasa kwarto ako. Sa nanlalaking mata e tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Oh my gosh! Six-fifteen na! Sheet! Nakatulog pa pala ulit ako pagkatapos kong magising kanina. Teka nga, bakit hindi tumunog 'tong cellphone? Supposedly tutunog 'to after ten minutes ah?

Bumangon agad ako at basta na lang binuksan ang pinto. Muntik pa akong tamaan ng kamao ni Jace na kakatakot pa sana ulit.

Nagsalubong agad ang mga mata namin. Hindi ako naka-imik. Para bang nalulunod ako ngayon sa mga mata niya. Kahit galit ang expression dun e hindi ko pinansin. Basta nakatitig pa rin ako dun. Ang ganda pala ng mata niya? Bakit ngayon ko lang napansin?

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon