Chapter Eleven

632K 9.7K 710
                                    


Pagkapasok ko sa kwarto e dumeretso agad ako sa kama kahit hindi pa ako nakakapagbihis. Tsk! Nasa ibaba pa kasi yung mga gamit ko. Titignan ko na lang yung cabinet baka may damit pa ako dun. Hindi ko naman kasi nadala lahat ng damit ko dati e. At kanina, hindi ko rin binuksan yun, nagpanggap lang naman talaga akong naglilinis. Ha-ha!

Nagulat ako nang pagbukas ko nun e puno na yun ng gamit ko. Ito yung mga gamit ko sa ibaba. So... iniakyat niya 'to lahat dito? Tinignan ko rin yung itaas ng cabinet at naroon nga ang maleta ko.

Napangiti na lang ako at kumuha ng pantulog. Maglilinis na muna ako ng katawan para naman makatulog ako ng maayos.

Nanlaki ang mga mata ko pagkabukas ng banyo. Naroon si Jace, topless at saktong ibinababa niya ang pantalon. Di ako nakakilos sa kinatatayuan ko at napatitig na lang sa katawan niya. Sheeet! Paanong gumanda ng ganyan ang katawan niya?! Parang ang sarap hawakan! Err, what?

"Hindi ka pa rin busog?" Nagulat ako nang magsalita siya. Hawak niya pa rin yung waistband ng pantalon niya at hindi pa 'yun ibinababa.

"H-huh?"

Ngumiti siya ng malapad. "Kanina mo pa tinititigan yung katawan ko e. Parang gusto mong kainin," aniya sabay tawa ng malakas.

Nag-init naman ang pisngi ko nang ma-realize yung sinasabi niya.

"Tse!" sabi ko sabay pabagsak na isinara yung pinto ng banyo.

Bakit ba kasi nakalimutan kong share nga rin pala ng banyo 'tong kwarto ko at kwarto niya bukod sa balcony?! Ugh! At bakit kasi hindi niya pa rin ipina-ayos at nagpagawa ng banyo para naman dito sa kwarto ng 'to?

"Hoy Lana! 'Wag kang manilip d'yan ha!" sigaw ni Jace mula sa kabilang bahagi ng pinto.

"Heh! Asa ka! Hindi kita sisilipan 'no!"

Malakas na tawa niya lang ang sumunod kong narinig. Bwisit na yun! Ang lakas ng sapak sa utak! At bakit ko naman siya sisilipan? Dahil ba sa maganda yung katawan niya? Dahil ba may six pack abs siya? Huh! Asa siya 'no! Err... waah! Ano bang pinagsasasabi ko?!

~*~

"Lana." Narinig kong may bumulong sa may tenga ko pero hindi ko pinansin. "Uy, Lana, gumising ka na d'yan." Malumanay yung boses niya, parang lalo pa akong inaantok dahil dun.

"Hmmn? Five minutes pa," sabi ko, hindi dumidilat.

Hindi na naman kasi ako nakatulog agad kagabi dahil sa nangyari. Di ko maalis sa isip ko yung nakita ko.

"Darating na maya-maya sina Papa, kaya bumangon ka na riyan."

Doon nagising ang diwa ko. Oo nga pala, bibisita ngayon sina Mama at Papa! Dumilat ako sabay bangon kaya nauntog pa yung ulo ko sa pingi ni Jace.

"Aray!" ani Jace sabay himas sa pisngi niya.

"Sorry!" react ko agad saka hinawakan din ang pisngi niyang tinamaan ng ulo ko. Medyo masakit din naman yung tumama sa akin pero kung ikokompara naman sa pisngin ni Jace e wala lang yung ulo ko.

Napatigil siya bigla at tumitig sa akin. Hinahaplos ko pa rin yung pisngi niya at hindi ko masyadong tinitignan yung mga mata niya.

"Masakit pa ba?" tanong ko.

Hindi agad siya sumagot. Pero maya-maya e tumayo na lang siya basta saka naglakad papunta sa may pinto, hindi na tumitingin sa akin.

"Bumangon ka na r'yan. May pagkain sa baba." Yun lang at tuluyan nang umalis si Jace sa kwarto.

Naghilamos muna ako at nagpalit ng damit saka bumaba. Nasa sala si Jace kaharap ang laptop niya at kunot ang noo. Maya't-maya pa ang pag-tsk at pagbuga ng hangin. Mukhang may pinoproblema na naman siya sa negosyo niya.

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon