Chapter Seventeen

608K 9.8K 948
                                    

Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing maririnig ko 'yung mga komento ng mga nakakasalubong namin ni Jace. Narito kami ngayon sa grocery store at namimili ng mga kakailanganin namin sa pagpunta sa—kung saan mang lupalop 'yun. Ayaw pa rin kasing sabihin ni Jace e. Surprise raw.

"Ang cute nilang tignan 'no?" narinig kong sabi nung isang teenager.

"Oo nga, gusto ko rin ng ganyang shirt," sabi naman nung kasama niya.

Ibinigay sa akin ni Jace ang shirt na 'to kanina bago kami umalis. Ipinagpilitan niya pang isuot ko kahit na nakabihis na ako ng pang-alis. Hindi ko agad pinansin ang design nun hanggang sa mapatapat kami sa glass door ng grocery kanina at nakita ko ang design.

Seesaw.

'Yun ang design ng suot naming couple shirt. Kalahati nun e nasa shirt niya kung saan naka-upo ang guy at nasa ibaba ang part na 'yun ng seesaw. 'Yung kalahati naman e nasa shirt ko kung saan 'yung girl naman e nasa itaas. Malamang na pina-customize niya ito. May pangalan kasi namin sa ibaba.

Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami. Sa seesaw kami madalas na maglaro. Ilang beses ko na rin siyang pinagtripan nun at bumababa ako habang nasa itaas siya kaya naman nahuhulog siya. Pero kahit na ganun e hindi siya nagrereklamo kahit na alam kong nasaktan siya. Ni hindi siya nagagalit sa akin at ngingitian niya pa ako.

"Hey!" ani Jace sabay pitik sa harap ko.

"Huh?"

Napangiti siya bigla. "Iniisip mo na naman ako? Nandito na nga ako sa harap mo o!" aniya sabay tawa ng malakas.

"Sira!" sabi ko saka ko siya hinampas sa braso. "May sinasabi ka?" tanong ko.

Hindi siya sumagot at binuksan 'yung hawak niyang coke in can. Nagulat ako kaya naman muntik ko na 'yung kunin sa kanya.

"Bakit mo binuksan? 'Di pa 'yan bayad!"

Kunot noong tinignan niya 'yung coke. "Babayaran ko naman ah." aniya saka uminom pa ulit. Ahaays! Pwede ba 'yun? Hindi pa bayad binuksan niya na? Ugh! Pwede naman ata? Hindi ko pa 'yun nat-try at wala pa akong nakitang ginawa 'yun e!

"Wag mo ngang problemahin 'to," natatawang sabi niya tinutukoy 'yung coke in can. "E sa nauuhaw na ako e." Tumingin siya sa cart na tulak niya. "Oo nga pala, tignan mo kung ayos na 'tong pinamili natin."

Tinignan ko 'yung cart na puno ng groceries. E halos pang isang buwan na ang laman nun. Hindi ko naman kasi namalayan kung anong pinaglalalagay ni Jace e.

"Andami naman niyan!"

Napakamot siya sa batok niya. "E tulala ka naman kasi. Kaya pinaglalalagay ko na lang kung anong maraanan ko." Ngumiti siya ng malapad. "Ayos na 'yan! Okay na 'yung sobra kesa naman kulang." Wala na akong nagawa nang itulak niya na 'yung cart papunta sa cashier.

~*~

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko 'yung kakaibang simoy ng hangin. Nagmulat ako ng mga mata para tignan ang paligid. Bukas na ang bintana sa gawi ko. Puting buhangin ang nakikita ko sa paligid. Paglingon ko kay Jace e nakangiti lang siya sa akin at mukhang kanina pa kami nasa ganoong ayos.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kanina. Ang huli ko lang natatandaan e kinukulit ko si Jace kung saan talaga kami papunta. Hanggang sa huling sandali e ayaw niyang sabihin sa akin kaya sumuko na lang ako at nanahimik.

"Nandito na tayo. Saktong-sakto lang ang gising mo," ani Jace saka tumingin sa labas.

Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ang papalubog na araw na natatanaw sa may dagat. Bumaba ng sasakyan si Jace at pumunta sa gawi ko para buksan ang pinto. Inalalayan niya ako papunta sa may hood ng sasakyan at pinaupo roon.

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon