Chapter Nineteen

620K 9.1K 989
                                    

Napamulat bigla ng mata si Jace. Nakatitig lang siya sa akin at hindi ko mabasa kung ano man ang iniisip niya. Mayamaya eh bigla siyang ngumiti na para bang nakarinig siya ng isang bagay na imposibleng mangyari sa tanang buhay niya. Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. Hindi siya nagsasalita basta yakap niya lang ako.

Nang humiwalay siya ng yakap eh naramdaman ko na lang ang mga labi niyang lumapat sa akin. Matapos 'yun eh hinila niya ako bigla paakyat sa kwarto. May kung ano siyang kinuha sa drawer at itinago muna sa likod niya.

"Pikit ka," aniya.

"Bakit?" tanong ko.

"Basta pikit ka. Dali na!"

Nag-roll eyes muna ako sa kanya saka sumunod. Inilagay ko pa ang mga kamay ko sa likod at huminga ng malalim.

Ramdam ko 'yung paglapit niya sa akin hanggang sa nasa mismong harap ko na siya. Nate-tempt na akong dumilat pero pinigil ko ang sarili ko. Kung ano man 'yang itinago niya sa likod niya, malamang sorpresa 'yan. Gusto ko namang maibigay niya 'yun sa kung paanong paraan niya gusto.

"Ayan... sige, dilat ka na!" ani Jace.

Dahan-dahan ang ginawa kong pagdilat. Susi ng kotse ang tumambad sa akin. Hindi makapaniwalang hinawakan ko ng dalawang kamay ko ang kamay niyang hawak 'yun. Nakatitig lang ako roon at hindi makapagsalita.

"Matagal mo nang gustong magkaroon niyan 'di ba?"

Tumango ako. Nabanggit ko sa kanya noon na gusto kong magkaroon ng sarili kong kotse para hindi hassle sa pagco-commute. Madalas kasi akong nahihirapang sumakay noon 'pag papasok sa school at hindi niya ako maihahatid.

Nag-driving lessons na rin ako noon. Si Jace ang may gusto nun para raw pagka-graduate ko at ibigay niya ang regalo niya—which is a brand new car (na hindi na natupad) eh marunong na ako.

"Thank you..." sa wakas eh nasabi ko. "Pero... parang sobra naman na 'to. Ang dami mo nang ibinigay sa akin samantalang ikaw ang may birthday."

Ngumiti siya. "Sakto lang naman ah? 'Yung bahay para sa 1st year anniv. 'Yung kwintas para sa 2nd year at ito..." Iginalaw niya pa sa kamay niya 'yung susi, "para sa anniversary natin ngayon."

Ngumiti ako ng malapad saka siya niyakap. "Salamat talaga... you're the best!"

~*~

Alas-singko ng hapon kami umalis ng beach house. Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe and guess what, ako ang nagda-drive. Kinailangan ko pa nga siyang pilitin para lang pumayag siya at kung anu-ano ring panguuto ang ginawa ko. Kungsabagay, mukhang nagpapapilit lang naman talaga siya kaya pinagbigyan ko na at inuto-uto.

Mukha namang walang problema siya Jace sa pagda-drive ko. Kampante lang siyang nakatingin sa labas at mukhang hindi naman kabado. Kahit naman kasi dati hinahayaan niya akong mag-drive paminsan-minsan 'pag sinusudo niya ako sa school. Kaya siguro wala namang kaso sa kanya.

Napatitig ako sa kanya. Naalala ko 'yung kanina noong sinabi ko na mahal ko siya. Oo, nadisappoint ako na wala man lang siyang isinagot. Kahit paano naman kasi umasa ako na sasabihin niyang mahal niya rin ako(kahit na hindi) pero ayun, wala. Kunsabagay, hindi naman tanong 'yun para sagutin di ba? Okay na rin siguro. At least sa part ko, magaang na ang loob ko dahil nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko.

"Hey, concentrate on the road!" pukaw niya bigla sa akin.

Napatingin ako bigla sa kalye at nag-concentrate gaya ng sabi niya. Sus, wala namang ibang sasakyan sa paligid eh pero tama rin naman baka kung mapaano pa kami dahil sa pinaggagagawa ko.

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon