Chapter Fourteen

636K 9.7K 684
                                    

Nagising akong kumikirot ng sobra ang ulo. Teka, anong oras na ba? Tinignan ko ang digital clock sa bedside table habang hindi pa masyadong nakakamulat. Alas-nueve na pala ng umaga. Ano ba'ng nangyari at ganito kasakit ang ulo ko?

PIlitin kong alalahanin ang mga nangyari. Sinapo ko pa ang ulo ko dahil pakiramdam ko e sasabog 'yun sa sakit. Hmmn, ang naaalala ko e nag-dinner kami ni Maico. Tapos nagpunta kami ng Banchetto at nag-inom. Hinatid niya ako rito sa bahay at hinila ako ni Jace mula sa kotse. Pagkatapos nun... ano nga ba?

Tumitig ako sa kawalan habang hinahalukay sa isip ko kung ano nang nangyari pagkatapos nun pero wala akong maalala. Bumangon na lang ako at nagpunta sa banyo para maghilamos. Nagpupunas na ako ng mukha nang may mapansin. Teka, bakit naka-pantulog na ako? At ito pang pulang-pula na lingerie na kahit kailan e hindi ko isinuot ang gamit ko.

Ganun ba ako kalasing para isuot 'tong regalo sa akin dati ni Mommy Jessy na ipinangako ko sa sarili kong hinding-hindi ko susuotin? O baka naman...

Napalingon ako sa pinto nang may maisip saka nanlaki ang mga mata. Hindi pwede 'yun! Siguradong hindi niya 'yun gagawin! Wala sa sariling niyakap ko ang sarili ko at mariing napapikit. Ano ka ba Lana! Mali ang iniisip mo! HINDI KA BINIHISAN NI JACE, OKAY?

Nagpalit na muna ako ng matinong damit saka bumaba sa kusina. Kumakalam na rin naman kasi ang tiyan ko at kailangan ko na ring uminom ng gamot sa sakit ng ulo.

Naroon si Jace sa upuan niya habang nagbabasa ng dyaryo. Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin at nagbukas ako ng ref para maghanap ng makakain.

"Gising ka na pala. May niluto akong soup, wait lang iinitin ko." Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso. "Maupo ka na roon," aniya pa.

Tumalima naman ako at naupo sa upuan ko. Sa totoo lang kasi parang wala naman akong lakas na maghanda pa ng pagkain ko. Gusto ko na lang kumain kaagad at makainom ng gamot. Pinagmasdan ko lang siya habang pinapainit ang sabaw na niluto daw niya.

"Ano ba kasing pumasok sa kukote mo at naglasing ka kagabi ha?" Nagsasalita si Jace habang nakaharap pa rin sa kaserolang pinaglalagyan ng soup. "Alam mo namang hindi ka sanay uminom tapos mukhang nakarami ka pa. Mabuti na lang mantikang matulog si Mama at hindi napansing madaling araw na e wala ka pa." Humarap na siya sa akin at naupo sa tabi ko habang hinihintay na uminit ang sabaw.

Hindi ako umimik at nakatunganga lang ako sa apoy ng stove.

"Sobrang wasted ka kagabi ni hindi ka na makalakad ng maayos. Sinukahan mo pa ako." Nag-tsk siya saka umiling. "Alam mo ba kung gaano ka kahirap bihisan? Ang bigat-bigat mo pala!Tss. Ang takaw kasi."

Nalalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya. Ano raw 'yung sinabi niya? Wait, so...

"BINIHISAN MO 'KO?!"

"Aww!" Tinakpan niya pa ang kaliwang tenga niya—yung tenga niyang nakaharap sa akin. "Ano ba? 'Wag ka ngang sumigaw!"

Nakatitig pa rin ako sa kanya, hindi makapaniwala sa sinabi niya. Naalala ko 'yung suot ko kanina pagkagising. 'Yung pulang lingerie na 'yun na kinulang 'ata sa tela tapos ang nipis pa. Ang masaklap e pagka-alis ko nun. Naka-panty na lang ako! Inalis niya pati 'yung bra ko! Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Shit! Nakita niya akong—waaahhh!!

"Ang OA mo namang mag-react! Wala akong nakita! Nakapikit ako nun. Kaya huminahon ka na d'yan!" aniya pero natatawa siya.

"Bakit mo pa kasi ako binihisan!"

"Alangan namang hayaan lang kitang matulog na puno ng suka. Saka, ano naman kung makita ko? Asawa naman kita ah?" Tumigil siya saglit at mukhang nagpipigil pa ng tawa. "Saka... wala namang makikita e!" aniya saka humagalpak.

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon