Chapter Four

703K 9.6K 1.5K
                                    

"Come home... to me."

Napatanga ako kay Jace nang sabihin niya yun. Seriously? Pinapa-uwi niya ba talaga ako? Tama naman yung dinig ko 'di ba? Sinabi niya talagang "go home with me" 'di ba? 'Di ba?

Matagal din yata akong nakatitig lang sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko e. Totoo nga kayang pinapauwi niya na ako pagkatapos ng nagawa ko? Hindi na siya galit? Wala siyang sama ng loob?

"N-na-kikipag b-balikan ka s-sakin?" nanlalaki pa ang mga matang tanong ko sa kanya.

Tumitig siya sa akin ng ilang sandali saka tumaas ang isang bahagi ng labi nga.

"I was joking," aniya saka tuluyan nang tumawa. "Actually... Papa, your father, found out that you're working here. And we... meet again. He wants us back together."

Napasimangot na ako dahil sa mga sinabi niya. Akala ko pa naman... "E di sabihin mong ayaw nating magbalikan."

"Your Father's ill Lana." Simpleng sabi niya.

"Anong sabi mo?"

"I said your Father's ill. Nag-collapse na siya nitong nakaraan at kaka-recover niya lang. Makakaya mo bang bigyan na naman siya ng sama ng loob kung hindi natin susundin ang gusto niya?"

May sakit daw si Papa. Kahit naman masama pa rin talaga ang loob ko sa kanya e mahal ko siya. Kahit saang anggulo pa tignan, ama ko pa rin siya.

"I'm in need of a maid. Alam kong ayaw mo ring makipagbalikan sa akin so I think this is a good reason for you to stay in my house," ani Jace na pumukaw sa pag-iisip ko. "Kailangan lang naman nating ipakita na magkasama na ulit tayo sa iisang bubong."

"What?! Ayoko nga!"

"Tsss. Hindi naman pwedeng makikitira ka lang sa bahay? Ayoko ng pasanin. It's either you work for me as a maid or you tell your father you don't want to be with me. O may pambayad ka ba ng renta sa kwarto kung sakali? Pwede rin yun. Medyo mahal nga lang ako maningil lalo na't mahal ang maintenance ng bahay na yun." Malapad pa yung ngiti niya habang sinasabi yun. Parang sigurado na siyang pipiliin ko yung una.

"Pero may trabaho ako rito," sabi ko.

"Kung pipiliin mo ang huli, siguro naman alam mo na ang mangyayari?" Hinahaplos niya pa yung baba niya na tila aliw na aliw sa nangyayari.

Oh my God! Ipapatanggal niya ako sa trabaho 'pag hindi ako pumayag! Pero ayoko namang maging maid lang! Para saan pa ang tinapos kong BS Accountancy para maging tsimay sa asungot na 'to? Ugh! This is so unfaiiiir!!!

"Teka lang! Wala namang ganyanan! Mabuti naman akong empleyado ah? Wala kang sapat na dahilan para basta na lang akong ipatanggal!"

"Are you sure?" ngumiti siya ng nakakaloko. "Besides, kayang kong magpatanggal kahit walang dahilan dahil ako ang may-ari ng kompanyang ito. Pero kung gusto mo ng dahilan, I have reasons that I can give you. Number one na ang pagiging constant late mo." Binuksan ni Jace ang drawer niya at inilabas ang isang folder saka iniharap yun sa akin. "Tignan mo yan," aniya.

"Ano 'to?" tanong ko.

"Read the personal info," simpleng sabi niya, hindi sinasagot ang tanong ko.

Binasa ko naman yun at wala naman akong napansing mali.

Personal Information

Sex : Female

Age : 21

Civil Status : Single

Birthday : December 15, 1990

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon