[3] Chili Con Carne

1.1K 26 10
                                    

Hiro's POV

"Babalik ka pa ba?"

"Hindi ko alam... pero baka hindi na."

"Please bumalik ka ha... iintayin kita."

*kring* *kring*

Tinignan ko kung anong oras na, 6:17 am palang. Maaga pa, eh bakit nag-alarm agad tong sh*t na to? 11:30 pa naman ang simula ng klase ko.

Ang dami namang nakakainis na bagay na nangyayari ngayon. Una, binugbog at in-electoshock ako ng panget na babaeng yun. Hindi ko nga alam kung babae ba talaga yun eh. Pangalawa. napanaginipan ko na naman to. Hindi ko nga maintindihan yung setting nitong weird na panaginip ko at kung sino yung kausap ko. Minsan na nga lang ako magka-POV ang labo pa.

Pagkatapos ko maghilamos ng mukha, bumaba na ako ng kwarto at tinignan ko kung may pagkain kasi gutom na ako. Oo gutom ako, may karapatan din namang magutom ang mga gwapo no. Pagbababa ko sa sala, nakita ko nakabukas yung TV eh wala namang signal. Papagalitan ko na naman sana yung katulong namin nang makita ko si kuya na nakatulala sa harap ng TV. 

Kaya ang laki ng galit ko sa mga babae eh. Tignan nyo nalang tong nangyari sa kuya ko. Pagkatapos iwanan ng girlfriend nya, muntik pa magpakamatay. Ngayon, nabuhay nga pero parang patay naman. Mukha siyang tanga sa pinagagagawa nya. Kung bakla lang ako, siguro sinugod ko na yung babae niya at sinuntok. Eh kaso lalaki ako, gwapo pa. Kinuha ko nalang yung remote at pinatay yung TV pero dahil makulit ang kuya ko, hinigit nya sakin yung remote at binuksan na naman yung TV.

"KUYA NAMAN!"

"Just leave me alone, hiro." Malumanay nyang sagot at tumulala na naman sa pesteng TV.

"YOU LOOK SO STUPID! BABAE LANG YAN TAPOS NAGKAKAGANYAN KA??!!?!?!"

"JILL IS NOT JUST A GIRL! I LOVE HER!"

"PERO HINDI KA NA NYA MAHAL!!!!!"

"SHUT UP HIRO, SHUT UP!!!"

Napatayo si kuya at akmang susuntukin na ako.

"Sige, suntukin mo ako! May magagawa ba yang suntok mo? Babalik ka sayo si Jill pag ganyan ka?"

"Wala kang alam! Palibhasa kasi nawala sayo si..."

"Anong pinagsasasabi mo?"

"Wala, jan ka na nga." 

May tama na talaga tong kuya ko. Sino naman nawala sakin? Si mama? Umalis na si kuya ryuu at naiwan ako sa sala. Nakakawalang gana naman kumain, makaalis na nga.

*Croo croo* napahawak ako sa tiyan ko. Tss. Gutom na ako. Ayoko naman kumain.

Naglakad nalang ako papasok sa campus at sa di ko malamang dahilan kung bakit ang malas ko, nakita ko na naman tong panget na to.

Nginitian nya ako, pero syempre dapat di ko siya nginitian pabalik. Sabi ko sa kanya kahapon pag nagkita kami ulit, hindi na kami magkakilala. Pero tanga din to eh no? Ngumiti pa sakin. Bakit ba to nakapasa sa entrance exam ng university?

Nilampasan ko nalang siya, kaso walangyang tiyan to. Pinagtaksilan ako.

*Croo Croo*

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!"

"Hoy tumigil ka nga!" Tawanan ba ako? Masama ba magutom? Di padin tumitigil kakatawa tong panget na to.

"HAHAHAHAHAHA. Teka, nakakatawa pa eh." Tawa padin sya. Tsss. Buti sana kung papakainin nya ako.

Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted GuyWhere stories live. Discover now