[1] Mistaken as someone else

2K 35 12
                                    

Raine's POV

Text Message from Jeremy Adriatico +63906573****

"Sis, where na ba you? Simmy is sulking up on the corner. Punta ka na dito bilis!"

Kumakain ako nung nareceive ko yung text ni Jeremy sakin. Nag-madali akong ubusin ang favorite breakfast kong bacon and eggs. Joke, tuyo at itlog na may kamatis lang talaga.

Dali-dali kong sinuot ang uniform ko at tumakbo papunta sa paradahan ng jeep. Tinatawagan ko si Simmy pero hindi siya sumasagot kaya si Jeremy nalang ang tinawagan ko. 

"Hello, Je? Bakit umiiyak si Simmy? May nang-away ba sa kanya?" Nag-aalala kong tanong. Nararamdaman ko naman kung ano talaga yung dahilan kung bakit siya umiiyak, sinisigurado ko lang kung tama nga ako.

"Eh kasi naman beks, tanga nitong si Sim eh. Sabi na nating wag nyang sagutin yung playboy na yun. Sinagot nya padin. Gaga lang." Narinig ko siyang huminga ng malalim sa kabilang linya.

"Anong pangalan nung gagong yun? I-describe mo nga sakin. Susugurin ko sya sa building nya pagkadating ko sa campus!" Oo. Di na kami highschool no! Freshmen college students kami sa isang sikat na university sa pilipinas. Matalino ako kahit ganito ako no! Kaya nga ako nakapasa sa entrance exam eh. Hihihi. 

"Nako atsi, wag ka ng gumawa ng gulo. Kabuilding ntin, mapapabalita ka na namang nakipagsuntukan ka sa lalaki!"

"Wala akong pakialam! Pinaiyak nun si simmy eh, kung ayaw mo ako ang sumugod. Ikaw nalang kaya! Mukha ka namang lalaki!" Naalala ko lang nasa jeep ako kasi pinagtitinginan na ako ng mga tao, siguro pinagtatawanan ako sa isip ng mga to. Eh kung sila kaya yung sapakin ko?

"No way ever in my beautiful face! Osige, ikaw na bumugbog dun!"

"Osige beks, describe mo kung sino. Ako na bahala dun sa gag*ng yun!" Matagal-tagal na din akong walang nasusuntok eh. Excited na ako dahil may thrill ang pagsuntok sa isang playboy na campus heartthrob. Ang sarap ng feeling na masugatan yung mukha nya. Sigurado tatakbo yung sa nanay nya. *evil laugh*

"Raine! *huk* Raine! Wag mo siya bugbugin please *huk* ako naman *huk* may kasalanan eh *huk* please!" Nako ito namang tanga kong bestfriend, gaga lang ang peg. Di ko mapapalampas ung ginawa nung playboy na yun sa kanya.

"Je, describe mo na bilis. Malapit na ako sa campus!"

"Singkit, na medyo frizzy yung buhok, maputi at medyo matangkad. Popular yung kaya madaming babae yung nakabuntot sa kanya. Mapapansin mo naman siguro agad!" Singkit pala. Ano yun chinese? Bakit ako kahit half-korean eh di naman masyado singkit? 

"Anong section at pangalan nya beks?"

"1BM2, ang pangalan daw nya...." naputol yung tawag at naramdaman ko nalang na wala na akong hawak na cellphone.

"YUNG CELLPHONE KO!!!!!!!!!!!!!" Bumaba ako at hinabol yung walanghiyang snatcher, kaso sa sobrang bilis tumakbo hindi ko na naabutan. BV lang, nawalan na nga ako ng cellphone. Hindi ko pa narinig yung pangalan.

Bahala na nga si batman, iisa lang naman siguro yung singkit na sobrang popular sa College of Business Administration.

Dali-dali akong nagpunta sa building namin (dahil kabuilding naman namin sila) at umakyat sa 3rd floor para hanapin yung section nya.

SAKTO! UWIAN NA PALA NILA.

May nakita akong gwapong singkit na lumabas, maputi medyo matangkad at medyo frizzy yung buhok kaso wala namang mga babae na nakabuntot sa kanya. Hindi siguro to yun.

Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted GuyWhere stories live. Discover now