[14.5] Is it a merry christmas?

526 14 0
                                    

Nagiisip ako kung gagawin kong isang POV nalang sa bawat chapter. What do you think?

[14.5]

[RAINE'S POV]

"1, 2, 3! Start!" Sigaw nung choreo namin para sa performance ng TSITP candidates sa paskuhan ngayong darating na December 21. Dec 18 na ngayon, Paskuhan mass at agape (May libreng pagkain ang mga thomasians na lechon manok/baboy/baka. Mehehe) pero walang patawad ang SOCC dahil may practice padin kami.

"Giling! Giling! Ikot!" Napasobra ata ako ng ikot at hindi sinasadyang na out of balance kaya nagkadikit yung katawan naming dalawa ni Hiro. Napatitig tuloy ako sa mata niya,  'lost in your eyes' ang peg ko today.

"Ehem!" Napahiwalay kaming dalawa sa isa't isa. Sa pag-ubo nung parang mommy namin sa TSITP na si Ate Jermaine from College of Pharmacy. Napakamot tuloy kaming dalawa ng ulo. Nagpatuloy nalang kami sa pagsayaw kahit medyo awkward na.

Nung natapos na yung practice, biglang nawala si Hiro. Aayain ko pa naman sana bumili ng tubig. Palabas na ako ng bigla siyang hingal na hingal na sumulpot sa likod ko. Kinalabit niya ako at binigyan ng tubig. Bumabait na talaga yun! Mali si Ate Guy, MAY HIMALA!!!

"Sino kasama mo mamaya sa agape?" Out of the blue niyang tanong habang pababa kami sa elevator galing sa 4th floor ng TYK.

"Kayo tsaka si Simmy." Napangiti siya saglit pagkasabi ko nun. Nakaw, na-aabnormal na ata tong si Hiro eh.

"Osige. Una na ako." Naglakad na siya paalis at ako naman pabalik na sa building para puntahan sina Tricia ng biglang dumating si Jeremy.

"Pwede ba akong sumabay sa Agape? Di kasi magma-mass yung mga kablockmate natin dati eh." Sabi niya.

"Sige, okay lang. Sabay ka nalang samin ng tropa." 

"Kunin mo yung favorite mong choconut oreo cheesecake. Nasa ref para may dessert tayo mamaya." Nagningning yung mga mata ko nung narinig kong may cheesecake. 

"Sa banapple ba yan? Ngayon mo binili?" 

"Hindi, kagabi pa talaga. Kaso nasa las pinas ka eh." Na-guilty naman ako kasi nga talkshit ako sa kanya kagabi. Hay, ano bang ginagawa ko dito kay Jeremy? Pakiramdam ko parang pinapaasa ko siya na ewan.

"Ah, okay. Ui sige, see you later nalang. Sa condo muna ako." Tumango lang si Jeremy at nauna na ako. Sa totoo lang, di pa muna talaga ako pumunta sa condo. Naglakad-lakad muna ako sa may UST, I need air.

"Miss, pwede makuha number mo?" Napalingon ako sa likod at nakita kong tumatawa sina brylle at andrew.

"Siraulo talaga kayong dalawa. Wag niyo akong guluhin, nagmomoment ako eh." Tumawa sila at umakbay sakin si brylle.

"San ka ba nakatira ngayon? Balita ko naka-condo ka daw ah?" 

"Oo, sa Espanya Grand Towers." Siniko ko siya at tinanggal niya yung pagkakaakbay niya sakin. Binelatan ko siya at naglakad na paalis.

"Punta kami sa condo mamaya ah!" Sigaw ni Brylle. Nako, riot sa condo nito mamaya -_-

[3rd POV]

"Tama nga? Dun nga sa Espanya Grand Towers?" Tanong ni Hiro kay Brylle habang kausap niya ito sa cellphone.

"Oo nga bro, punta ba tayo mamaya?" sagot naman ni Brylle.

Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted GuyWhere stories live. Discover now