[5] Nihongo Club

1K 25 7
                                    

Okay. Hello! Sorry po sa slow UD :))

Dahil busy ako sa pagbabasa ng Secretly Married kaya di agad nakapag-update, dedicated sa pinakagwapong character na si Kent Fuentabella! ☺

Ayan, UD na pooo! Medyo nakakainip tong chapter na to. Pagpasensyahan, kailangan kasi makita yung setting eh. Bawi nalang po sa Chapter 6 ^___^V

******

Raine's POV

Ang kapal naman ng mukha niya na humarap sakin matapos ang ginawa nya. Pinakidnap nya ako at halos napapanaginipan ko yun gabi-gabi. Joke lang, isang beses lang talaga ^__^V

At ang walangyang singkit na un, tinawag pa akong aphrodite! Sagrado ang pangalan kong yun dahil si Aki lang tumatawag sa akin nun. Kaya kayo readers, ako si Raine ha! Chos, kahit ano pwede nyo itawag sakin.

Lunch na. Naglalakad ako sa corridor para makababa na ng building at makabili na ng favorite kong fried isaw. (Oo lunch ko yun! Bakit ba!) Nang biglang may bumangga sakin. Ba! Walanjot tong mga to, harang na nga tapos binangga pa ako.

"Tumingin nga kayo sa dinadaanan nyo!" Galit na sinabi ko dun sa mga mukhang espasol ang mukha dahil sa kapal ng make-up. BV sila, dumagdag pa sila sa asungot na singkit na yun 

"So ikaw pa ang may karapatan magalit? Matapos mo landiin ang prince namin?" Sabi nung parang leader nila na pinakamakapal yung makeup sa lahat. Ano ba to, maganda nga pero dahil sa makeup naman. Mas maganda padin ako >:)))) joke.

"Hoy! Ano bang pinagsasasabi mo? Prince ka jan? Pakialam ko ba dun. Di ko nga kilala yun."

"Si Hiro Atashi! You freak!"

Hiro Atashi?  Artista ba yun? Wala naman akong kilalang ganun.

"Ha?"

"Eto oh!" Pinakita nung isang member yung picture ni Singkit. Yuck, prince nila to. Kung alam lang nila yung ugali nun 

"Hindi ko siya nilalandi. Wala akong pakialam sa kanya! Pwede ba tigilan nyo ko!" Kainis tong mga to :| mag-walkout na nga ako.

"San ka pupunta ha? Girls!" At hinabol ako ng mga galamay nya at sinabunutan ako! *O* badtrip sila ha!!! I-electroshock ko nga tong mga to. Kaso hindi ko makuha sa bulsa ko kasi wagas makasabunot tong mga to.

Biglang nagkumpol yung mga tao at tila audience sila. Grabe! Pinagtutulungan na ako, nanonood lang. Hindi ko tuloy magagamit electroshock ko.

Nung tinulak na ako, hindi na ako nakapagpigil. Sinuntok ko na yung mga bitch na yun! Isa-isa ko silang sinabunutan at hindi padin tumitigil yung mga yun.

"Amin lang si Prince Hiro!" At sinabunutan na naman ako. Aba. Badtrip tong mga to! Eh wala nga akong pakialam dun!

Nagulat nalang ako ng nakita ko sila simmy at jeremy na sumugod na din dun sa mga mean girls na yun.

"Bakit kayo nandito? Kaya ko naman sarili ko!" Hindi naman sa nagmamagaling ako, ayoko lang na madamay sila dito. Lalo na si Simmy, di pa naman marunong makipagaway yun.

"Powerpuff girls tayo, beks! Kamukha naman ni mojojojo yang mga babaeng yan." Sabi ni Jeremy.

“Oo nga sis! All for one, one for all tayo!” Ngiti ni Simmy. At ayun nga ang mga bekimon na to, sumabunot na ng sumabunot. Yung anim na mean girls naman, tuloy padin sa pangaapi samin. Joke, nasa upper hand na kami no! Ako pa! Este si Jeremy pala. Grabe lang yung beki na un :))

At dahil sa super powers ng powerpuff girls, natalo namin ang mga mean girls na yun. Nagsi-alisan nadin naman yung mga tao dahil tapos na nga yung show. Nakakapagtaka lang na walang dumating na prof.

Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted GuyWhere stories live. Discover now