[9] Signs

963 19 7
                                    

Happy 10 days sa MBK&CHG :*>

Salamat po pala sa mga readers. Love you all :**        

Mahaba na naman po yung chapter. Pasensya na. ^___^V

--------

RAINE'S POV

"Anong number ni Hiro?" Kausap ko sa phone si Simmy. May ibabalita kasi akong good news sa kanya.

"Nakakatawa kayo, ginagamit nyo kami ni Kevin na messenger." Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya. Kevin? Di ba yun yung nangkidnap sakin? Close sila ni Simmy?

"Hoy Simielle Go! Huwag mo sabihin saking may gusto ka diyan sa kevin na yan?" Hindi naman sa ayaw ko kay Kevin, syempre bad shot padin siya sakin matapos niya ako kidnapin. Pero kung papipiliin kung si Xander o si Kevin. Ba! Team KevSim nalang ako.

"W-wala ah! Pero mabait naman yun, tsaka sweet tsaka--" natawa ako, wala daw tapos dinedepensahan? Labo.

"Pakilala mo sakin yan ha. Mamaya sa school, sabihin mo sakanya. Interview with the bestfriend." Di naman ako masamang kaibigan. Supportive to no!

"K fine. Si kevin nalang tanungin mo ng number ni Hiro. Punta na ako school. Bye." Uso ba talaga binababaan ng tawag? Nu ba yan.

Basta excited na ako sabihin kay Hiro na sa UST padin ako magaaral. Teka nga, bakit ko ba sa kanya una sasabihin? Adik lang?

Umalis na din ako sa bahay, kahit 10 palang at 1 pa ang pasok namin. May pupuntahan pa kasi ako, alam ko na kung sino yung unang sasabihan ko.

"Long time no see!" Napangiti nalang ako habang tinitignan siya. Gwapo padin, hindi nagbabago. Ang ganda talaga ng ngiti niya, ngiting habang buhay kong mamahalin.

"Miss na kita... isang taon na din pala no?" Hinawakan ko yung picture ni Aki. Nagpunta ako sa sementeryo at binisita siya.

"Alam mo ba may iba ng tumatawag sakin na aphrodite ngayon. Galit ka ba?" Hindi ko din alam kung bakit hinayaan ko si Hiro na tawagin akong ganun. Siguro dahil naaalala ko si Aki sa kanya.

"Huwag ka magalit kay Hiro ah. Dahil sa kanya natupad yung pangarap nating dalawa.” Napakaseloso pa naman nitong si Aki. Kung nandito siguro to ngayon, nasuntok niya na si Hiro. Mali pala, kung nandito pa si Aki siguro hindi ko makikilala si Hiro.

“Naaalala mo ba yung pangako mo noon sabay tayo papasok sa arch para sabay din tayo gagraduate? Pati din yung usapan natin sa UST chapel tayo magpapakasal?" Hindi ko na mapigilang umiyak. Miss na miss ko na siya.

 (Yung arch sa UST is the legendary portal. Sabi nila, if you enter there together with your bf/gf, you'll graduate together at magtatagal kayo)

"Papayagan mo ba kung sakaling magmamahal ako ulit?” Napailing ako sa sinabi ko.

"Joke lang, ano ba yung sinasabi ko? Ikaw lang naman eh... hanggang ngayon." Ngumiti ako at niyakap yung picture ni Aki.

"Una na ako ha? May pasok pa ako eh.” Pagtayo ko, biglang lumakas yung hangin. Yung pakiramdam na niyayakap ka? Nakakatawa talaga to si Aki eh. Wagas magparamdam.

Hindi ko naman nakalimutan. I love you too.”

Paalis na ako ng sementeryo ng may narinig ako kaluskos. Ano ba yan, creepy naman T_T Naglakad ulit ako  pero feeling ko may nakatingin sakin eh. Huhuhuhu. Kung ikaw yan Aki, magpakita ka nalang. Wag yung tinatakot mo ko.

Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted GuyWhere stories live. Discover now