[16] The Truth Revealed

601 15 7
                                    

Natagalan na naman ako sa pag-update pasensya na po. Marereveal na kasi ang mga sekreto dito eh, magsisimula na din kasi yung new era kaya ayun! ☺ Mehehehe. Eto na po.

[16]

[3rd POV]

"Wag mo ngang kainin yan!!! Bumili ka nga ng pagkain mo! Ang PG mo nakakahiya ka!!" Sigaw ni Raine kay Hiro habang kinakain nito yung burrito ni Raine

"Tinitikman ko lang baka may lason, malason ka pa." 

"Ang sabihin mo, wala kang pambili kasi mahal dito sa Army Navy." Tumayo bigla si Hiro at naglakad papunta sa counter. Pagkatapos umorder, umupo na siya at tinignan lang siya ng masama ni Raine.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang MGA order nito. Dalawang bully boy burger, dalawang steak quesadilla, 1 milkshake at isang latte. 

Nanlaki ang mata ni Raine at tinignan ng masama si Hiro.

"Ano to? Sinong kakain nyan?" 

"Akala ko ba PG ako at walang pambili ng pagkain? Ayan! Para naman hindi mo sabihin sakin na wala akong ipapakain sayo pag mag-asawa na tayo." Namula naman bigla si Raine sa sinabi ni Hiro. Mag-asawa? Mehehehehe.

"Sabi ko naman kasi sayo eh, tinitignan ko lang kung may lason. Dry run palang kasi diba? Baka mamaya may buhok pa dun sa burrito mo." Nagsimula ng kumain si Hiro, si Raine naman uminom lang ng milkshake. (Dry Run palang kasi ng Army Navy sa may UST)

"Tss. Oo na." Hindi mapigilan ni Raine ang mamula sa kilig. Mag-iisang buwan na sila ni Hiro pero hindi padin ito nagbabago, sweet padin pero hindi talaga maaalis sa systema nito ang pagiging masungit niya.

"Ano ba yan Aphrodite, para kang bata!" Tumayo si Hiro at nag-lean paharap kay Raine.

"A-ano b-bang ginagawa--" Pinunasan ni Hiro ang gilid ng labi nito. Lalo namang namula si Raine.

"Picture-an ko kaya yung mukha mo? Mukha ka ng kamatis eh." Nagsmirk lang si Hiro at nagpatuloy sa pagkain habang si Raine ay hindi makasagot dahil nga totoong namumula at kinikilig siya. Iba talaga ang nagagawa sa akin nitong cold-hearted guy na to.

"Itsumademo aishiteiru yo" Nakangiting sabi ni Hiro kay Raine. Hay nako Hiro, nagiging obese na nga ako dahil sa dami ng pinapakain mo, pati ba naman puso ko idadamay mo pa?

[Aki's POV]

(Play music)

Napatingin ako sa may Army Navy at nakita ko si Hiro at Raine. Ganito din kami dati eh. San nga ba nagkamali? Wala naman diba? Ang pagkakamali lang talaga...

ako si Aoi at hindi si Hiro.

♫ ♪Lately I've been thinking, thinking about what we had

And I know it was hard, it was all that we knew, yeah

Ginusto ko naman to diba? Na maging sila? Na maging masaya sila? Pero bakit parang gusto ko siyang bawiin? Bakit parang gusto ko ulit siya ipagdamot kahit hindi na siya sakin? 

 ♫ ♪ Cause nothing can ever, ever replace you

Nothing can make me feel like you do, yeah

Minsan pala, hindi rin maganda na masyado kang mapagbigay. Minsan tama rin palang maging makasarili lalo na't kung ang ibibigay mo sa iba ay parte ng buhay mo.

Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted GuyWhere stories live. Discover now