Chapter 11 - Ehhhhh? xx

1.8K 63 6
                                    

Nasaan na ba yun? Nahihilo na ako sa kakaikot dito sa kwarto pero di ko pa rin mahanap-hanap, maaga pa naman akong papasok ngayon dahil may groupings at ako ang leader. -.-

"Hayyy.." pabagsak akong humiga sa kama.

Buti nalang wala na siya pagkagising ko, kundi makakatikim siya ng bonggang bonggang goodmorning greet galing sa bibig saken.

Saan kaya siya dumaan palabas? Hindi ko man naramdaman ang pag-galaw niya. 

Nakauwi na ba yun? Wala na rin ang kotseng nakaparada nang tignan ko ang labas.

Bakit ba kase nakitulog siya?

At bakit ba kase ako nacucurious? >0<

"Hwaaaaaaaa!!" may tumunog na maliit na bagay, at gumalaw-galaw sa likod ko. Dahil dun napa-balikwas ako ng galaw.

Napakahawak ako sa dibdib, nagpakawala din ng malalim na hangin. "Bohoooo.. akala ko kung ano na,"

Kinuha ko ito. Naiwan yata niya? Napaka talaga ng tao na yun, hindi man lang alam ang importansya ng isang bagay.

Wala naman akong itensyon na tignan ang messages niya, subalit nakuha ng isang screen name ang atensyon ko. Napindot ko ito ng di inaasahan.

FR: Babylove.

Uy, palit muna tayo fone ah!! Ikaw na bahala sa mga nagtetext saken! Tarayan mo! Salamat!PS. hassle! ang bigat pala ng binti mo, ganun ka ba talaga matulog? Hahaha! Ge. :P

Inedit ko yung contacts at chineck ko ang numero ng Babylove na yan. At CONFIRMED! saken nga.

Sus! Tarayan lang pala mga katext niya e, kayang-kaya ko yan..

*proccessing..

*proccessing..

*processing..

ANO?! Nakipagpalit siya ng fone saken? Hindi lang pala yun! Palit-sim lang pala!!

Hindi pwede..

Marami akong hinihintay na messages..

Connect yun sa mga raket ko sa buhay..

"Errr!! Lampayatot ka! Patay ka saken pag nakita kita mamaya!!" >.<

** **

"Tungunu, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, sira ka-gwapuhan ko!" namomoblemang tono no Van, habang nakahawak sa mukha niya. 

"Ako rin. Tss" nakahawak naman sa noo si Jill, halatang hindi makapag-concentrate sa binabasa.

My Baby is a Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon