Chapter 3 - So, call me BABY.

3.3K 106 13
                                    

#MBIAGSoCallMeBaby


"Hi Baby~" napa-angat ang isa kong kamay at napa-ngiti sakanya. 


Hindi ko alam.  'Yun talaga ang unang lumabas sa bibig ko. Napaka niya.. napaka-ganda ng mga matatalas niyang mata.


~(*o*)~


Ang mga mata niya na para 'bang gusto na akong higupin dahil sa naguguluhan siya. Ang mga mata niya na para 'bang walang kabuhay-buhay ngunit nanatili ang kinang nito.


Dahan-dahan niyang ipinuwesto ang magkabilang kamay niya sa desk ng aming guro. Bale ako ang naka-gitna sa mga kamay niya. 


Napalunok ako. Nagsimula na ang mga bulung-bulungan sa paligid namin.


"KYAAAH! Totoo nga! Nandito ang mga BG! SEXY BG!" 

"Ang popogi parin nila! Babalik na kaya sila dito?" 

"Ewan? Basta kinikilig ako! Kyaaah!"


BG? Babalik? Sino 'ba sila? Wala akong kilala ni-isa sakanila. 


"Sinasabi ko na nga ba! Sinasabi na sinasabi ko na nga ba, na may hindi sinasabi si Zak satin!" rinig kong sabi ng isa niyang kasama. 


Sandaling naalis ang tingin niya sa'kin para tignan ang nagsalita.


"J-joke lang. W-wala akong sinabi." Nag-peace siya ito sakanya.


Pagtatanggi ng nagsalita kanina. May-itsura siya. Mukha siyang ma-kwela, pala-ngiti, loko-loko at babaero. 


"Tumahimik ka kasi Jiggie Manicad, mag-report ka nalang sa 24 oras. Haha! Gwapo ko lang talaga." tugon naman nung isa. 


Unang tingin mo palang dito, nakaka-ohlala ang kutis. Maarte siguro 'to sa katawan, pero tama sya. Gwapo nga siya.


"Gwapo  ka nga, mukha kang sirang-Van e." Jiggie 


"Aba't!" akmang sasapakin niya ito, ngunit naka-ilag yung Jiggie.


Ang cute nila. Parang mga bata.


"Bahala kayo, basta ako mag-dodota mamaya." sabi naman nung isa, na mukhang nag-iisip. Ang cute niya rin! para siyang teddy bear na masarap yakapin, poging teddybear! 


"Ano kayang gagamitin na username ni Zak? BABYmirana o BABYmaiden? Hmm?"


"Jiggie, Van, Nivs. Tama na yan." may isa nanaman na nagsalita, nakasandal lang siya sa bandang pinto ng room namin.


Gamit ang hintuturo niya, inayos niya ang salamin niya sa mata at ipinamulsa ulit ang magkabila niyang kamay.


My Baby is a Gangster!Where stories live. Discover now