Chapter 4 - Keep Calm And Stay

3.1K 91 13
                                    

[ Jenny's Point Of View ]

Pagkamulat ng mga mata ko. Napangiti ako..

Eto nanaman ako..Sa paboritong lugar ko.

Ang hina ko na nga, inaabuso ko pa lalo ang katawan ko.

Bigla kong nakita ang isang larawan sa kawalan, larawan ng isang masayang pamilya..

Masayang Pamilya na walang ina..

Napa-yukom ko ng mariin ang mga kamay ko.

Kakayanin ko pa, kakayanin ko lahat ng 'to para sa kapatid..at tatay ko.

Kahit nagbago na si Tatay, simula nang iwan kami ni Nanay..

Responsibilidad ko pa rin siya..

Wala rin naman magbabago sa katotohanan na, siya ang tatay ko. Siya ang dahilan kung bakit ako nabubuhay..

Tumayo na ako ng dahan-dahan, masakit pa rin ang tiyan ko. 

"Oh, wag ka munang tatayo!" gulat na pagkasabi ni Ate Claire. Ate ang tawag ko sakanya, kahit na siya ang Doktor dito, malapit na kami sa isa't-isa. Paano ba naman kase..

"Ginawa mo nanamang tambayan 'tong clinic, buti nalang at binantayan ka ng boyfriend mo." 

Ginagawa kong tambayan 'tong clinic dahil sa lagi akong nahihimatay pag nagpapalipas ng gu-- WAIT!!

May nagbantay sakin?! Boyfriend ko daw?!! >_<

"Sinong boyfriend?!" naka-kunot noong tanong ko.

Napahawak siya sa tenga ng sumigaw ako. "Aray! Wag ka ngang sumigaw. Parang hindi na talaga ako Doktor para sayo ah." at nagpout pa. 

"Hihihi! Peace." ^.^v

"So, ayun na nga. Yung boyfriend mo, bagay kayo. Hihihi!" 

"Sino ngang boyfriend?"

"Aba, ewan ko kung anong pangalan. Boyfriend mo, hindi mo alam pangalan? Mga kabataan. Tsk. Tsk." pailing-iling pa siya tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi ng hinigaan ko.

"Errr.. Baka si Kim lang yun, napagkamalam mo lang na lalaki." 

"Alam ko ang pinagka-iba ng Magandang letchon sa Gwapong isda."

"Err. Itim ba ang buhok niya?" pagtatanong ko ulit. Sauce! Patanong-tanong pa ko e, mahirap kausap 'tong Doktor na 'to.

"Yes. Hihihi!" matuwa-tuwang sabi niya. 

Hindi siya si Jak, hindi naman itim ang buhok ni Jak.

"Sino siya? Sabi niya, Boyfriend ko siya?" 

"Ewan ko. Alam mo, ang gulo mo. Kain ka nalang nga." 

Labo talaga neto. Ako pa naging magulo..  

Inihagis niya ang isang pack ng biscuit sa'kin. Ako lang naman nakaka-ubos nito dito eh, halos araw-arawin ko na yung paghihimatay ko.

Alam ko, kasalanan din na matuturing ang pagpapabaya sa sarili pero..

kasalanan pa rin ba matuturing yun kung ginagawa ko lang naman yun para may makain ang kapatid at tatay ko? 

Para kasing kulang pa sakanila..

Napatingin ako sa kaliwang kamay ko para tignan ang orasan, "Di ko nga pala suot. Anong oras na pala Ate Claire?"

"Ahm, oras na para lumayas ka dito. joke!" ^.^v

My Baby is a Gangster!Where stories live. Discover now