Chapter 26

732 20 4
                                    

#MBIAGZakJak



Bumyahe kami patungo sa clubhouse ng Tito ni Zak para mag-review. Wala naman daw kasing tao doon at payapa ang paligid. Kapalit 'yon sa hindi ko pagpayag na i-date niya ako sa labas. 



'Yung mga bagay na 'yon kasi eh, makakahintay naman, kapag may upcoming exams bawat oras importante. Hindi lang kasi sapat yung basta mag-mememorize ka lang, dapat naiintindihan mo rin 'yung binabasa mo.


Humirit pa nga siya ng pagbabanta, "Kapag tayo na.."


"Eh 'yun eh, kung magiging tayo."


"Talaga." May diin niyang pagkaka sabi.



Humaba pa nang humaba ang sagutan namin. Kung minsan nga ay tatawanan ko siya, nilulusutan talaga niya lahat ng sinasabi ko. 'Yon na siguro 'yong rare moment na hindi ako na-ilang sa kanya. Gusto ko din naman siya makilala ng lubusan, tutal pumayag na rin naman ako.


Hindi rin naman nagtagal, nakarating na kami sa isang simpleng clubhouse. Sa salubong palang nang hangin ay nakaka-relax na. Aktong bubuksan ni Zak ang pintuan nang may marinig kaming umaalingawngaw na ingay na nagmumula sa loob. 


Sinulyapan ko siya at nakita ko ang unti-unting pagkunot nang noo niya. Kainis, ang cute pa rin niya.


Pagkapihit niya sa hawakan ng pinto, ang mga ingay ay napalitan nang palakpakan. Naglalakasang palakpakan ng tatlong tao.


"Seriously..." napahawak siya sa kanyang batok.


Nagulat ako sa pabulong na mura ni Zak pero hindi ko na narinig pa ang iba niyang sinabi. Hinintay niya akong ma-unang maglakad para magka-sabay kami.



"Ginagawa niyo dito?" nasa asar na tonong tanong ni Zak sa mga ka-grupo niya nang maka-upo na kami.


Napansin ko ang mga school bags na naka-hilera sa kulay itim na carpet. Isa ba itong himala? Magrereview din sila? May itinanong sa akin si Jigs kanina, akala ko ay nagbibiro lang siya. Natuwa ako sa ideya na naiisip ko pero mas masaya kung totoo nga.


Huminto ang tatlo sa pagpalakpak at umupo na rin. "Matagal na din namin pinag-isipan 'to, Bro." Itinaas ni Van ang isang papel, more like parang lecture.



Ngumisi ito sa kanya. "Napag-desisyunan namin mag-group study dito."


Ang kulit. Ang cute ng intro kaya hindi ko mapigilan ang konting pagtawa.


"Hi Jenny!" saglit na bati niya sa akin. Hindi ko agad nasuklian 'yon kasi natatawa pa rin ako sa kanya. Sumingit din agad sa eksena ang naghihimutok na kasama ko, nababadtrip ata na nandito sila.


"Talaga? Bakit dito pa? Pwede naman sa bahay mo? Bahay niya at siya rin?"


My Baby is a Gangster!Where stories live. Discover now