Chapter 27

607 18 8
                                    

#MBIAG143



Nang matapos makita ang mga resulta sa posting board ay nagkayayaan silang mag road trip gamit ang kotse ni Zak. Noong una, makikita ang pag-aalinlangan sa mga mukha ng tatlo na sumakay sa kotse nito maliban kay Jill na tuluy-tuloy lang ang pagpasok. Hindi kalaunan, sumunod na rin silang tatlo.




Hindi ko na itinanong pa kung bakit ganun sila umakto. Naalala ko kasi ang binulong ni Jiggs tungkol sa isang aksidente. Aksidente na siguro malalaman ko rin kung hindi mag-aalangan si Zak na i-kwento sa akin. 



"Yes?"



 Napakurap ako nang dalawang beses bago mabalik sa katinuan. Shit. Natitigan ko nanaman pala siya. Pero hindi naman matagal 'yun ah, ganun ba talaga ang radar niya pagdating... sa akin. Napalunok ako sa iniiisip.



Umiling ako at umayos sa pagkaka-upo. Pinilit kong ibaling nalang ang atensyon ko sa labas pero sumabay sa pag-agos ng ingay ang pagkatawa niya nang bahagya. Sa harap ako naka-upo, sa bandang tabi niya to be specific. Guilty akong ipinikit ang mga mata ko. Hala sige, Jenny. Clumsy side pa.



 "Basta ako mag-iisip 'kung saan outing natin,"


"Anong alam mo sa mga magagandang tanawin? Bagsak ka nga sa Hekasi dati. Kaya ako na ang mamimili nang paraiso na pupuntahan natin,"


"Magsi-tigil kayo! 'Walang kinalaman ang Hekasi diyan. Ako ang pinaka-gwapo sa inyo. 'Kaya ako na!"




 Napuno nang ingay ang kotse dahil sa tatlong nagbabangayan kung saan ba nila gustong mapadpad ang pagroroadtrip nila gamit ang kotse ni Zak. And as usual, your leader got mad by their gay arguments.




"Hindi niyo 'ko genie at ako ang may hawak nang buhay niyo ngayon. So, ako ang magdedesisyon kung saan ko kayo ililibre o dadalhin kung saan." Ani Zak sa tatlong nagbabangayan. Siya kasi ang nag-dadrive kaya ang lakas maka-banta.




 Napatigil ang tatlo at nagkatinginan. Akala ko itutuloy nila ang pag-aargumento sa isa't-isa pero nagsi-ngisian nalang sila at nagbulungan. Ang mga magkakaibigan talaga, isang tinginan lang, alam na kung ano ang ibig sabihinin 'non.



"Naku, Zak. Dapat nagpapa-impressed ka sa nililigawan mo." Ani Kim na siya naman ikinalingon ko sa kanya.



Pinanlakihan ko siya ng mata. Inilabas lamang niya ang dila niya at nag-fliphair. Aba! Gagamitin pa talaga ako para mas maganda ang ilibre sa kanila!? Sabay-sabay naman nagpakawala ng pag-tikhim ang tatlo dahil sa narinig. Tanda ng pag-sang-ayon sa taksil 'kong kaibigan.




Tumawa siya nang marahan, "I always make her impressed even from the start. Thanks for your undying support." 

My Baby is a Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon