Chapter 20

570 23 3
                                    

#MBIAGTenderLove



[Jenny's Point Of View]


Pagka-mulat nang mga mata 'ko, ramdam ko parin ang pagka-hilo. Hinang-hina ako sa kemikal na pina-amoy sa'kin kanina parang umiikot ako sa kina-uupuan ko.



Inangat ko nang bahagya ang ulo ko kahit medyo pipikit-pikit at natatabunan ng mga buhok ang mata ko.



"What did you do to her?! Ang sabi ko dalhin mo siya dito, hindi ko sinabing hilain at pa-amoyin nang kung ano para mahilo."


"Sorry po-"


"Just get out of here." matabang na sagot niya.



Naririnig ko na ang ilang palalapit na hakbang patungo sa kina-uupuan ko. Anong kailangan niya sa'kin? Sino ba siya?



Hindi naman nila ako tinali basta lang nakaupo ako dito, inumpisahan ko nang gumalaw. Bahala na kung may balak siyang masama sa'kin.



Napahinto ako sa bahagyang paghawi nang taong nasa harapan ko sa aking buhok.



Naamoy ko ang pabango niya nang pinagpantay niya ang aming pagitan, "Sorry. Let me," nangilabot ako nang maranig nang mas malapitan ang boses niya.



Pagkagulat at pagkakaba ang naramdaman ko sa sandaling 'yon.



Alam kong matagal na 'yon, imposible naman sigurong siya 'tong nasa harapan ko. Pero sa kaloob-looban 'ko, gusto kong maging tama ang kutob ko. Kahit sa pagkakataon lang na 'to.



Napatayo ako habang unti-unti niya hinahawi ang buhok ko. Napasinghap siya, "Don't be scared," malambing na pagkakasabi niya at bahagya niyang hinawakan ang mga balikat ko. "Wala akong gagawing masama sayo," aniya


Naramdaman siguro niya ang panginginig ko. Nang maayos na niya ang buhok ko. Napapikit ako bigla. Mahigpit ang pagkakahawak ng mga kamay ko sa magkabilang strap nang bag ko.



"Ayan ayos na," sabi niya sa malambing na tono.



Anong gagawin ko kung siya nga ang taong nasa harapan 'ko? Masasabi ko ba ang mga gusto kong sabihin noon pa?



Huminga ako nang malalim tsaka ko iminulat ang mga mata ko.



Nang mag-tama ang mga mata namin ay klaro ang sabay naming pagkahinto.

My Baby is a Gangster!Where stories live. Discover now