Chapter 8 - Runaway.

2.3K 78 19
                                    

[ Zak's Point Of View ]

Pagkapasok nila sa fitting room, lumabas ako sandali sa shop..

Bibili sana ako ng chewing gum banda sa mini stop na nakita ko pero napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang kotse na sinasakyan namen kanina.. ang kotse ko..

Ang kotse ko na hindi ko na naranasang gamitin pa matapos ang ilang taon..

Ang kotse ko na naging saksi ng nangyari noon..

Napapikit ako ng mariin, napahawak naman ang kaliwa kong kamay sa aking batok at napayukom ang isa ko pang kamao sa mga nagbabalik alaala..

Kung nagawa ko ba ang makakaya ko..

Kung huminto ba ako..

Kung hinarap ko sila..

Kung lumaban ba ako..

Ganun pa rin kaya? Mananatili pa rin ba ang lahat kung hindi ako nagpaka-duwag at hindi sumunod sakanya?

*SIGH*

Iminulat ko na ang mga mata ko at tinahak na ang landas papunta sa kinaroroonan ng aking kotse ko. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko ulit..

Bumaba naman agad si Myke ang aking driver slash kaibigan ko, ng makita ako.

"Oh, aalis na? Nasan si Girlfriend?" -- Myke.

"Eto oh, alis ka na," -- ako.

"Huh? Anong gagawin ko dito? Tsaka kung aalis ako, walang maghahatid sa inyo? 4pm na pa naman," -- Myke. nagtatakang tanong niya.

"Uwi ka na, gamitin mo yan binigay ko.. A-ako nang.." saglit akong huminto sa pagsasalita at tinignan ang kable ng kotse. "A-akong nang bahala,"

"Pero baka kase.." -- Myke.

Hinarapan ko na siya at nginitian, "Kaya ko. *sigh* Kaya ko na.. Wag kang mag-aalala," -- ako. :)

Ngumiti din siya, "Dahil ba sakanya?" -- Myke.

Tumingala ako, napaka-dilim na ng kalangitan wala akong makita ni isang bituin, napaka-lakas na rin ng hampas ng hangin. Mukhang uulan nanaman.

"Sige na, uwi na. Akong nang bahala.." -- ako.

Ayon sa eye corner ko, nakita ko siyang tumango, nilagay sa kamay ko ang susi at unti-unting umalis. Habang ako, nakasandal sa kotse at naka-tingala pa rin..

My Baby is a Gangster!Where stories live. Discover now