Chapter 29 (2)

5.9K 63 20
                                    

This one naman is dedicated to you. Ikaw ang aking 100th fan kaya sayo ko to dinedicate. Gulat ka no? XD HAHA Anyways, thanks fo the support. Huugs! >:D<

(Nakaraan)

Tumingin ako sa TV at napatawa. Oo nga naman, nagsisimula na. Umupo kami at humarap ako sa kanya. "Aha! Wala kang pera nuh? Hindi ka binigyan ng allowance ng mommy mo?"

He grinned. "Oo e. Pasensya ka na babe ha, eto lang nakaya ko. Mahal mo pa rin ba ako?"

I looked at him and we both laughed. Pagkatapos naming makaget-over sa trip namin, nanuod na kami. Nasa kalagitnaan na ata ng movie na 'The Tourist' ng tumutok talaga kami sa panunuod kaya pareho kaming nagtatanong kung anong nangyari at kung sino ang bida. HAHA.

Sa huli, inantok lang ako. Haha! Umakbay sya sa akin and I rested my head to his shoulder. This is more than enough. 

"I love you."

"I love you too Mrs. Montenegro."

Then I was drifted to sleep.

Chapter 29 - 2

Tara's POV

Nagmulat ako ng mata. I saw the familiar ceiling. Kwarto na namin to. I looked to my side expecting na nasa tabi ko si Kent. Pero wala sya. Tuluyan na akong bumangon at tsaka ko lang napansin na madilim na sa labas. Gabi na. Where could he be? Nagpalit muna ako ng damit bago ako lumabas. 

Pumunta ako ulit sa entertainment room at inakala na andun si Kent. He might enjoyed watching, but I found the room to be empty. May mga ilaw naman na bukas sa baba, even sa hallway dito sa taas, so asan kaya sya? Dadalawa na nga kami dito sa bahay magtataguan pa kami?

 "Kent?" I called out. Naghintay ako ng sagot. Pero wala. Inisa isa ko na ang kwarto sa second floor para makasigurado pero wala talagang Kent. "Kent?! Asan ka ba?" 

Phone! Bakit ba nga hindi ko agad naisip? Bumalik ako sa kwarto namin and looked for my phone. Wala namang message galing kay Kent. So ibig sabihin hindi sya umalis ng bahay. Because if ever, I know na magsasabi naman ito. Lumabas na ulit ako and dialed his number. Narinig ko na may nag-ring sa baba. I went to the stairs pero nagulat ako sa nakita ko.

There are sticky notes na nakakapit sa staircase. I still had the phone in my ear at naririnig ko pa rin ang pag-ring ng phone ni Kent sa baba. Kinuha ko yung unang note.

Note: Looking for me? 

Pagkababa ko, ibinaba ko na rin ang phone and put it on my pocket.

I took another note: Natry mo na bang hanapin ako jan sa puso mo? 

Another: Kung hindi pa, icheck mo. 

And another: Oh bakit? Nawawala ang puso mo?

And another: Syempre, nasa akin e. :D

I smiled.

And another: Try to scan pa.

And another: Oh, may nakita kang puso?

And another: Wag kang magpanic, hindi dalawa ang puso mo. Puso ko lang yan, ipinagkatiwala na rin sayo.  :)

This time, I chuckled, though it's really sweet.

And another: Oh teka, wag kang ngumiti. 

And another: Baka kasi kapag nakita ko yan, makalimutan ko na pati pangalan ko. 

"HAHA. That is so corny!" Hindi ko na napigilang magkomento. 

Pababa pa rin ako ng pababa at patuloy pa ding binabasa ang mga note na nakapit. Most of them are pick-up lines. Hanggang sa nabasa ko ang huli na nagsasabing tumunghay ako. And I did.

EVERYTHING ARRANGED [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon