Chapter 17

6.7K 50 9
                                    

(Nakaraan)

Kaagad ko itong binuhat at isinakay sa kotse. Dadalhin ko sya sa ospital. Pasulyap sulyap ako sa kanya habang nagmamaneho. Maya maya ay bigla nalang itong nagsisigaw at nagmulat ng mata.

"Tama na! Nagmamakaawa ako sayo!" Kaagad itong nagwala at umiyak.

Itinabi ko ang kotse sa daan. "Hey. Tama na. I'm here." Yayakapin ko sana sya pero she flinched. Nagtagis ang bagang ko. Magbabayad ng malaki ang lalaking iyon. 

Chapter 17

Tara's POV

Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na nakasinag sa muka ko, but kept my eyes closed. Nananakit pa rin ang mga braso ko dahil sa pagkakahawak sa akin nung lalaki. Then naalala ko na naman. Ang mga hawak nya, ang mga haplos, and even his dirty kisses. Bigla akong mumulat at napaupo. A tear fell from my eyes and I instantly hugged myself. Oo, lasing ako noon, pero tandang tanda ko ang mga ginawa niya. Alaalang alaala pa rin ng katawan ko ang ginawa ng walang kwentang lalaki yun. Maya maya, narealize ko nalang na I am already crying. Biglang nagbukas ang pinto.

"Tara?" Napatingin ako kay Kent and saw worry in his eyes. Lumapit sya sa akin and tried to comfort me but again, I flinched. 

He gritted his teeth. "I'm not going to hurt you. Asawa mo ako. Please trust me." Muli nyang inabot ang kamay ko. He did it slowly. Hanggang sa naramdaman ko nalang na yakap na nya ako at inaalo. "Hush. Wag ka nang umiyak. I'm sorry kung iniwan kita. I'm sorry. I'm not gonna let that happen again."

Ilang araw ko na ring naririnig ang sorry niya. Minsan, wala na talaga syang nasasabi kung di ang sorry. I know na he is really sorry, but I can't comfort him now from the feeling of guilt kasi kahit sarili ko, hindi ko matulungang kalimutan ang nangyari.

**

"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko pare. Natrauma si Tara and it's my fault."

Tinapik ni Ren ang balikat ko. "Come on. It's not your fault. Just be with her."

"Oo nga p're. Naasikaso at napakulong naman namin nitong si Ren yung lalaki. Mabubulok na sya dun." Sabi naman ni Jason. 

"Nung nakita ko sya sa ganung kalagayan, gustong gusto ko na talagang patayin yung lalaking yun." Bumuntong hininga ako. "I've just realized how important Tara is to me. Hindi ako papayag na may manakit sa kanya. I'll protect her no matter what."

Naalala ko yung huling pinagusapan namin ng mga kabarkada ko. That was the last time na iniwan ko si Tara. Ngayon, hindi ko talaga sya maiwan. Nung pumasok ako noon sa trabaho, pagkabalik ko, I just found out na maghapong umiyak si Tara at hindi lumabas ng kwarto, not even bother to eat or drink. Kaya simula nun, I didn't leave her.

Ilang pagkakataon na rin  na she's flinching ng hindi nya sinasadya sa mga hawak ko. It sucks the hell out of me. Naalala ko kasi ang lahat ng galit ko. At oo, sinisisi ko ang sarili ko. I shouldn't leave her noon.

Maya maya, nakarinig ako ng hikbi. Kaagad akong nagpunta sa kwarto.

"Tara?" Umiiyak na naman sya. I tried to come near her and reached for her hand but she fliched. 

Damn it. I gritted my teeth. "I'm not going to hurt you. Asawa mo ako. Please trust me." Muli kong inabot ang kamay ko. I did it slowly. Nang makita ko na her body is not reacting, niyakap ko sya at inalo. "Hush. Wag ka nang umiyak. I'm sorry kung iniwan kita. I'm sorry. I'm not gonna let that happen again." I am preventing my voice to broke. Nagagalit ako sa lalaking gumawa noon kay Tara, but mas nagagalit ako sa sarili ko kasi iniwan ko sya noon. Sorry. 

Nakatulog ulit si Tara. Napagod siguro sa kakaiyak. I called my secretary. 

[ Hello, sir? ]

"We're gonna take some leave again. Kayo muna ang bahala sa mga gawain jan sa office."

[ Magtatagal po kayo sir? ]

"I don't know. I'm not sure yet. And one more thing. Please ihanap mo ako ng place na pwede naming pagbakasyunan ni Tara. I want the place to be relaxing and enjoyable. Then. e-mail me the place and activities na pwedeng gawin dun. Put pictures na rin. Asap. Thanks." I ended the call. 

Pumunta ako sa kusina. "Ya?"

"Oh bakit Kent?"

"Ya, pakiempake naman po ng gamit namin ni Tara. Mga pang-isa o dalawang linggo po."

"Sige. Saan ba kayo pupunta?"

"Ilalabas ko lang po si Tara. Baka mas makakabuti rin po sa kanya yun."

Ngumiti ito. "Ako na ang bahala sa dadalhin nyo."

"Salamat, ya." 

 Ding Dong. Ding Dong. 

"Ako na po." Kaagad akong pumunta sa pinto. Pagkabukas ko, nakita ko si Bianca at nasa likod si David.

"Asan si Tara, Kent?" Pumasok kaagad si Bianca at nilibot ang paningin sa bahay. "Bakit hindi mo man lang sinabi ang nangyari sa kanya?" Nang mapansin na wala si Tara, hinarap ako nito ng nakapamayewang. "Kamusta na sya? Ano ba ang ginawa mo? Hindi mo man lang sya naprotektahan?"

Tinapik ni David ang balikat ni Bianca. "Ca, calm down."

Nangunot ang noo nito at marahas na tiningnan si David. "Calm down ka jan! Muntikan ng magahasa yung kaibigan ko tapos calm down?!" Humarap ulit ito sa akin. "Hindi ba't kasama ka ni Tara nun? Wala ka man lang nagawa? Lampa ka ba?"

"Ca, tama na yan." Lahat kami ay napatingin kay Tara na mukang bagong gising. 

"Aww, friend you look.." Tiningnan nya ito ulo hanggang paa. "..awful."

Ngumiti si Tara. A relieved smile. Ang tagal ko ng hindi nakikita yun. "I missed you."

Lumapit si Ca at niyakap ito. "Friieeend. Okay ka na ba? Dapat kasi sinipa mo kaagad sa betlog nya para matauhan!"

Tara chuckled. Ahh, finally. "Pananalita mo uyy." Napansin nya si David at ngumiti rin ito doon. "Ikaw din, Vid. I missed you."

Lumapit din si David kay Tara. "Sa susunod, tawagan mo kaagad ako ha? Mag-ingat ka kung pwede lang. Nakakapagod mag-alala." He chuckled.

Tara pouted, then smiled. "Thanks by the way for the concern."

Pinisil ni David ang tungki ng ilong ni Tara. "I'm not just concerned, I care. You know that."

I'm not needed here. Pasimple akong umalis sa sala. Honestly, natutuwa ako. Natutuwa ako dahil nakakatawa na ulit si Tara. I'm happy that I was able to see her smiling face again, pati na rin ang mga tawa nya. Pero kinakain ako ng inggit. Dahil hindi ako ang nakapagbigay nun kay Tara. It sucks.

Tumunog ang cellphone ko. I received a text message. I read it. 

*Sir, I already e-mailed resorts, beaches, hotels and iba pa po sa inyo. Just inform me po kung alin ang napili nyo and I'll make reservations.*

I replied. *Thanks for the effort pero hindi na ata to kailangan.*

Bumuntong hininga ako. Pitiful me. All she needed is her friend and that David, not me or any of my travel plans with her. Asawa lang naman ako. Asawang walang kwenta.

NOTE:

I know this is short. At medyo lame update. Babawi ako. Kasi naman, may summer classes ako. *sniff sniff. I'm really sorry. :(

I'll TRY to update this coming Friday. Bear with me guys! 

Please Vote, Comment, Become a fan and Recommend! :D

EVERYTHING ARRANGED [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon