Chapter 7

7.1K 49 1
                                    

(Nakaraan)

"KJ, hindi mo na naman akong kailangan isama sa bahay nyo. Isa pa, I can eat dinner kahit sa labas lang." KJ? What a nickname.

"Hindi naman mismong sa tinitirhan ko ngayon. Sa bahay namin. I think, mom misses you. Nagtatampo pa nga ata sya kasi hindi mo agad iniinform na umuwi ka na from States." sabi ni Kent. Ibinukas niya ang pinto ng passenger's seat ng kotse nya. "Kailangan mo ng magpakita sa kanila, I mean, to mom and dad, dahil kung hindi, they'd be really sad. Now get in."

Papasok na ito ngunit napatingin sa kotse nya. "Teka, what about my car?"

"I'll just ask someone to pick it up at isunod sa bahay, okay?" Ngumiti ito at ginulo ang buhok ni Ami.

"Kent naman!"

Kent chuckled. "Sige na. Bilis na. Sakay."

And with that, the car drove out of the parking lot and left me thinking. Should I really find someone? Kainis na adobo. Naisip ko pa tuloy na may pag-asa to. 

Chapter 7

Tara's POV

"Biruin mo yun? Nun ko lang nakita na ngumiti ng abot noo at take note of this, tumawa! Tumawa si Kent James Montenegro dahil lang sa reaction nung Ami na yun sa paggulo ng buhok niya! Unbelievable!" I was nearly shouting habang kausap ko si Bianca sa telepono.

Oh yeah Ta. *giggles* Anton! Can you please wait? Ahmm, you called me this late para lang jan? ]

"This is not ordinary okay?"

[ Uhhhh, ahh. Ohh, of c-course T-tara, what ever you s-say. Honey, hang up okay? - Anton ] 

Bumuntong hininga ako, mukang naabala ko sila ni Anton sa kung anong milagrong ginagawa nila ngayon. "Nevermind. Pasensya na. Pakisabi na rin kay Anton, pasensya sa abala."

[ Buti naman nakaramdam ka. Hahaha! ]

"Hindi naman ako kinder para di malaman kung anong ginagawa nyo at this late hour. Sige na, baka mabitin pa si Anton, I'll hang up na. Bye." And with that, in-end ko na yung call.

Maya maya pa narinig ko na bumukas ang pinto sa kwarto namin. I instantly closed my eyes. Of course, si Kent na yun. Narinig ko yung mga yabag niya palapit sa kama. Hindi na ba sya magbibihis? Hm, masyadong napagod sa pakikipaglandian?

Kent's POV

Tiningnan ko sya. Umupo ako sa paanan nya. She's not yet asleep. Minutes had passed nang marealize ko nalang na I was staring at her already. Simula pa nung una naming pagkikita, I was already captured by her beauty. From her black, long and shiny hair to her eyes, her nose and her pinkish, kissable lips, plus her great body. I know na kahit sinong lalaki will definitely fall sa isang kumpas lang ng kamay nya. I'm beginning to have carnal thoughts in my head with her. Shit. She's off limits. Bago ko pa maidapo ang kamay ko sa muka nya at magising sya, I decided na pumasok na sa banyo, maligo at magbihis. Pagkatapos ko, dederetso na sana ako sa kama but napansin ko pa rin sya.

"Tara, don't pretend to be asleep. I know you're awake." Still no reaction. Umupo ulit ako sa paanan nya. "Hindi ka ba makatulog?"

Dahan dahan nyang minulat yung mata nya. Tempting eyes. "Oo e."

"Iniisip mo na naman ba yung find someone?"

"What? Hindi. Kausap ko si Ca kanina, medyo nawala ang antok ko sa babaeng yun."

"Ahh." Humiga na ako sa tabi nya. "Well then, matutulog na ako. Maaga pa bukas."

Pipikit na ako ng magsalita ulit sya. "Hm, Kent?" Humarap sya sa akin. Now our lips are inches apart. 

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko for me not to see her moving, sexy lips. This is torture. "Bakit?"

"Ahm, w-wala. Nevermind. Pasensya na."

"If this is about Ami, I've already told you kung anong meron kami. We're just friends, more like siblings. Kababata ko sya."

Silence. Dinilat ko ang mata ko to find her staring at me. Pinikit ko ulit dahil alam kong kahit anong oras, pwedeng mawala ang pagkokontrol ko sa sarili ko. After all, lalaki lang ako. I have my needs. Ayoko lang talaga and I just need to hold back pagdating sa asawa ko kasi alam kong hindi nya magugustuhan yun kapag sinimulan ko. Ang saklap. "Matulog na tayo."

Pagkasabi ko nun, tumalikod na ako sa kanya. I don't want to test my control. Alam ko rin kung hanggang saan lang to. Naramdaman ko na rin na tumalikod sya. Kaya ngayon, magkatalikudan na kami. Tinuloy ko na ang pagpikit at pagpapaantok though I know, with the thoughts I have in my head kanina will make this night a very long and painful night.

Please Vote, Comment, Become a fan and Recommend! :D

EVERYTHING ARRANGED [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon