Chapter 25 (1)

6.5K 59 9
                                    

Dahil sa kanya, nagulo ko saglit yung listahan ko ng bibigyan ng dedication. Isiningit ko ulit to. Sobrang natuwa ako sa comment niya. Simply shows that nakatutok talaga sya sa story at binabasa nya talaga. Salamat! >:D<

Sana masagot mga tanong mo in this chapter. :)

(Nakaraan)

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pigil na pigil ko ang pagpatak ng luha ko. Nagpasalamat ako dahil may lakas pa ako na pumunta sa pinto and opened it. "Leave."

Naglakad naman ito papuntang pinto. Pero bago sya lumabas, nagsalita pa ito. "Kent is mine, Tara. He was never yours. Kasal nga kayo pero sa papel lang. And it will stay like that hanggang sa mapagod si Kent and when that time comes? Iiwanan ka rin nya. So ngayon, don't be too proud. And you should be thankful to me. Kasi sinabi ko sayo ang mga bagay na itinago sayo ni Kent, and even your dearest father." Pagkatapos ay lumabas na ito.

Isinira ko ang pinto at napaupo. Tuluyan ng dumaloy ang luha. 

Manloloko.

Chapter 25 - 1

Bianca's POV

"Ano ba? Sinamahan mo nga ako dito sesermunan mo lang." Sabi ni Tara sabay inom sa shot glass na hawak nya..

"Friend, concern lang ako."

"Ca! Manloloko sya! Niloko nya ako."

Napabuntong hininga ako. "Makipag-usap ka muna kasi sa kanya before jumping into conclusions." Kung medyo light lang sana ang usapan na to, nabatukan ko na tong kaibigan kong to sa katigasan ng ulo nya.

Ngumiti ito ng mapait. "Ganyan din ang ginawa ko dati and guess what? Nalaman ko lang na niloloko nga lang ako. Why repeat the past?"

Napatahimik ako. She's afraid. Pagdating sa word na trust, tumitiklop sya. Ganyan din ang nangyari sa kanya dati dun sa first boyfriend nyang si John.

Ako ang nagsabi sa kanya noon na niloloko lang sya nung lalaking yun. Pero hindi sya naniwala sa akin. Sabi nya, hindi naman nagbago si John sa kanya, the fact pa na lalo daw itong naging sweet and caring. Pinagsimulan pa yun ng pagkakagalit naming dalawa. But I pushed her to talk and confront the guy. Ginawa naman nya. And I regret it. Nakita ko kung paano sya nasaktan ng sobra. Sabihin ba naman sa muka mo na 'Nagising nalang ako ng hindi na kita mahal. I'm sorry. Let's break up.' Masasaktan naman siguro nu? Inakala nitong si Tara na everything's alright pero hindi pala. Ganyan yung line nung pesteng John na yun noon. But I guess pinagsisihan nya rin yun after ko syang sugudin at ipahiya sa harap ng maraming tao.

Pero the fact na that guy was her first in everything, her first love and first boyfriend made it hard for her to move on. Natuwa pa nga ako noon nung nalaman ko na lumalabas na sya with other guys kasi I thought na naka-move on na sya, and indeed she had moved on but simula rin nun, wala na syang sineryosong relationship.

But for some reason, nararamdaman kong iba si Kent. I can feel something.. actually, something scaly and slippery. So fishy. Haha. Alam kong hindi katulad ng pesteng lalaking yun si Kent.

"Kampay! Kampay! *hik" Sigaw ni Tara. 

Kinuha ko ang isa pang glass sa kanya nang mapansin kong nagiging madaldal na sya. Lasing na. "Stop it already. Uwi na tayo."

Nanlaki ang mata nito. "No! I'm not going home! *hik" Nagwala ito na parang bata. "Aaaaaaaaaaaaaaaaayokong umuwi sa m-manlolokong yun!"

I grab her bag and stood up. "No, we're going home. Ngayon na mismo."

EVERYTHING ARRANGED [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon