Chapter 13

7K 49 4
                                    

(Nakaraan)

Tumayo ako at naglakad papunta sa may drawer na malapit sa TV. Binuksan ko ito at kinuha ang kontrata dun. 

I just need to use this week to enjoy and get everything out of my head. Tama. This will help. 

Chapter 13

Tara's POV

Tuesday. Nagising ako ng wala na ulit si Kent sa tabi ko. Kaninang madaling araw, nakatulog na ko kaya hindi ko rin nalaman nung nakabalik sya sa kwarto. Nung lumabas siya, gustong gusto ko syang iconfront sa paghalik nya sakin. But I have no guts to ask. Pagkaalis ko ng bahay, wala ring nangyari masyado. Parang walang nangyari. Hindi na rin ako naglakas ng loob na i-open pa yung topic dahil ayokong magka-ilangan kami.

Nasa byahe na ako ngayon dahil may isinet na naman sa akin si Ca. Same resto, same time, pati table ganun din. Haha.

Nakarating ako at lumapit sa table 5. "Richard Mandane?"

Tumayo ito at ngumiti. "Yes. Have a seat."

Pasimple ko syang tiningnan. Gwapo sya at mukang organized na tao. His glasses added the genius aura sa kanya. "Order na tayo?" I smiled.

"Sige." Tinawag nya ang waiter. 

Di nagtagal, dumating din ang order namin at nag-start na syang mag-open ng topic. "So, Tara, matagal ka ng nakikipag-date sa mga ganito?"

Nag-angat ako ng tingin. "Not really. Tsaka ngayon lang nagka-time na makaipagdate."

Tumango tango ito. "Ahh, I see. Are you working?"

"Yes. I am employed. Ikaw?"

"Oh, yes. May family business kami."

"Bakit ka naman naging interested sa ganitong set-up? I mean, blind dates?"

Nangunot ang noo nito. "Ahm.."

Masama ba yung naitanong ko? "Mukang you don't want to answer. That's fine. Guess it is personal." I smiled.

"Not really. Gaya mo rin kasi, ngayon lang ako nagka-time makipagdate."

"Ahh."

Nagtagal pa kami ng konti sa pag-uusap. Medyo marami din kaming pagkakapareho. Pero nagulat nalang ako ng hawakan nya bigla ang kamay ko.

"Ahm, Richard?"

"Please, tulungan mo ako."

Nangunot ang noo ko. "What?"

"Kaya talaga ako nagkipag-date ngayon e para makatakas sa obsessed kong ex-girlfriend."

Napataas ako ng kilay. Binawi ko ang kamay ko. "I didn't come here para maging pamalit sa ex-girlfriend."

Kinuha ulit nya ang kamay ko. "Please. Help me. I like you."

Aba! Ang kapal ng muka. "Mister, for sure hindi ako ini-apply ng kaibigan ko sa agency na nag-seset ng blind dates para mapapasok na naman ako sa isang komplikadong sitwasyon. I'm sorry." Magwawala si Ca kapag nalaman nya na pumayag ako dito. Komplikado na nga ang sitwasyon ko kay Kent, dadagdagan ko pa ng isang komplikado. E di sobra sobrang komplikado na nun. Haha.

EVERYTHING ARRANGED [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon