Chapter35. Bolt from the blue.

30.7K 319 27
                                    

THANKS SO MUCH SA LAHAT NG NAGBASA, VOTE AND ESPECIALLY NAGBIGAY NG COMMENTS sa last chapter. :))) Pinasaya niyo ako ng bonggaaaaaaaaaa!! Hihihi.

Pakibasa ng important note sa end ng chapter. :))))))))))))))))))))))))))))))))

 

 

SI DADDY DYLAN DIN PALA ANDYAN.------------->

 

Here’s the update:

 

Chapter35. Bolt from the blue. (Nakuha ko lang sa Thesaurus yung title.XD)

 

Chloe’s POV

 

“Kung ok ka na, ihahatid na kita. May pupuntahan pa ako bukas, or shall I say mamaya? It’s nearly 2 in the morning. Besides, ayaw mo din naman magsalita.”

 

Andito kami ni Prince sa may bayside. Nakaupo lang kami habang nagpapahangin. Simula ng umalis kami sa hotel kanina, dito na kami dumiretso. Nahihiya tuloy ako sa kanya. It was supposed to be a date pero naging disaster. Hindi naman kami nakakain man lang dahil wala akong gana. Pero hanga din ako sa lalaking ‘to. Akalain niyong almost 4 hours kaming nakaupo dito pero nakatagal siya sa’kin kahit hindi ako nagsasalita? He’s just watching me cry, pinupunasan ang luha ko once in a while pero wala kang maririnig na sumbat o sermon mula sa kanya. Papasa siyang shock absorber.

“I’m sorry.” Mahinang sabi ko sa kanya.

“If this is about our date, don’t be. I completely understand. Parang di ko din naman matatanggap na nagde-date tayo pero lumilipad yung isip mo.”

 

Nginitian ko din siya. “Thank you talaga Prince. Pangalawa na’to.”

 

“No problem. Utang naman ‘to e. Tsaka na kita sisingilin.”

 

“WHAT?!!!”

 

Tumawa siya ng pagkalakas-lakas. “Hahahaha! Kidding. Pero pwede din naman, kung papayag ka.” Bigla naman siyang sumeryoso.

Kinabahan ako. Or scared?

Natatakot ako na baka sa sobrang kabaitan ni Prince saken, masanay ako at masaktan ko lang siya sa huli. I don’t want to do that. He’s so precious and he needs someone to take care of him and love him back in return. I can’t do that. Mahal ko si Dylan. I really do. Kahit nasasaktan ako ngayon, by the end of the day, I’d still go back to the fact that I love him so much.

“P-prince, I can’t d--”

 

“Eto naman hindi na mabiro! Hahaha. Pinapangiti lang kita. Besides, tanggap ko na naman. Kaya nga nananahimik na lang ako kasi alam ko kung gaano mo kamahal ang lalaking yun. Hindi pa man din ako lumalaban, talong-talo na.” He smiled bitterly. Nahiya naman ako. “But it’s ok. Ayos na ako sa set-up naten. Na ako yung tinatakbuhan mo kapag may problema kayo. Kahit ginagawa mo akong punching bag pag umiinit yung ulo mo. Kahit hindi ka tinatalaban ng charisma ng supermodel na nasa harap mo, masaya ako. And I should thank you for that.”

What Happens After A One Night Stand? (WHAAONS) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon