Chapter27. What's wrong with them? :)

34K 274 24
                                    

 

Chapter27. What’s wrong with them? :)

 

CHLOE’S POV

 

SATURDAY.

 

Kahit medyo kinakabahan ako.. No! Scratch that! Kahit “nangangatog” yung tuhod ko sa sobrang kaba dahil baka magkamali ako mamaya, naghanda pa din ako.

Sabi ni Clare, kasama daw ako sa conference room at kapag naglibot na ang mga kliyente sa Elite. Titingnan kasi nila lahat ng department sa building. Nagtanong pa nga ako sa kanya kung ano ba dapat ang isusuot ko dahil baka mamaya pati hitsura ko mapansin pa. At alam niyo ba kung anong sagot niya?

“Wear something more..” tiningnan niya ako from head to toe “..presentable? You know what I mean..”

 

Yeah! In short yung magmumukha akong pang-ELITE! =________=

Ayoko naman mapahiya, kaya nag-ayos ako ng konti. Konti lang naman.

Lumabas na ako ng kwarto. Nadatnan ko si Andrea na kasama ni Lance sa kitchen.

“Hello.. Gising na pala ang prinsipe ko.. Uwaaa. Ang gwapo-gwapo naman talaga ng baby namin.. Come to Mommy.. Mwaa.. Mwaaa.” Binuhat ko si Lance at pinaghahalikan.

Nakakapanggigil naman kasi. Ang gwapo-gwapo e. Maganda pala combination namin ni Dylan. Magandang lahi. Ahihihi!

“Wow naman Ate! San ang lakad natin?! May date ba kayo ni Kuya?” Excited naman ‘tong si Andrea.

Date daw? E busy nga yun. Tsk. Isisingit niya nga lang mamayang off ko yung pagpili sa cake para sa wedding e.

“Ano ka ba. May trabaho ako. May darating kasing kliyente kaya dapat maayos ako tingnan.. What do you want baby? Huh?” Kinikiliti ko pa si Lance na tawa naman ng tawa. Hahaha. Ang cute!

“Gandara naman! Di’ba Ate sa Elite ka nagtatrabaho? Model ka? Waaaaa!! Sa tingin mo ba pwede ako dun? Haaaaayy! Ang sarap siguro dun nuh? Mga sikat na sikat kasi ang product ng Elite!” Andrea said dreamily.

Napailing na lang ako. Sana naman hindi niya mahawaan si Lance. Kung hindi, lagot to ke Dylan. “Model ka d’yan! Haha Writer ako nuh. Kaso kasama ako mamaya sa meeting. So yun! Tsaka wag ka ngang nagde-daydream d’yan. Siguro papasa kang model..”

Tiningnan ko siya. Ang gwapo-gwapo nitong si Andrea! Ewan ko ba kung bakit ‘to bumigay ng ganito. Tsk!

“Talaga Ate?! Tingin mo papasa ako?!”

 

“Oo naman.. Magpakalalaki ka nga lang!”

 

 

What Happens After A One Night Stand? (WHAAONS) COMPLETED!Where stories live. Discover now