What happens after a.. One Night Stand.

211K 1.6K 101
                                    

 

PROLOGUE:

“Walang tao na nasa matinong pag-iisip ang ba-byahe in the middle of the worst storm para lang mag-reminisce ng childhood memories considering that it’s midnight! Come on Dylan! Where the hell are you?! I’ll send someone to fetch you!” sigaw ng Manager kong si Beth sa kabilang linya. I knew she’d be exasperated once she found out that I left without telling her. But I am Dylan Caine. I had often done the unthinkable:

I had left Medical School two months before my second year to join a struggling band with an unlikely name “COLD FIRE”.

I had left the band in the peak of our odd and unmerited success to strike out on my own.

One year into the runway of my solo career bago ko naisipang pumasok sa showbiz.

Now, I’m considering na magpahinga muna at mag-focus sa pagko-compose ng kanta.

That’s how my mind works, at nakakainis isipin na palaging hadlang ang manager ko sa lahat ng gusto ko.

I didn’t need to make stories dahil kusa ng naputol ang linya, dala na din siguro ng bagyo. There’s nothing more risky sa lahat ng naging desisyon ko kumpara sa ginagawa ko ngayon. I’m going back to my homeland with a car without chains and a lightweight leather jacket. I turned on my music player. Nadinig ko na lang ang sarili ko na sumasabay sa sarili kong kanta. I missed this. Two years na din akong hindi active sa music industry. I don’t want to sing anybody’s song.. I want to record my own. That’s why I needed to come home. I have to be home.

The road was slippery kaya todo ingat ako sa pagda-drive.

I was barely moving now but the rain is falling hard that I couldn’t see exactly where I am. Pero alam ko nasa tamang daan ako. It’s been years since I’ve been here, but little had changed. It’s still the old place. Faraway from the noise and pollution of the city. Natatandaan ko pa yung isang farmhouse na nadaanan ko kanina na huling landmark bago ako lumiko, ibig sabihin malapit na ako sa bahay na binili ko sa pinsan kong si Mae. There were other houses here, but not many. Palibhasa malayo sa bayan. Pero mabuti na din yun para malayo ako sa eskandalo. I turned left, I would be home soon.

HOME. I smiled at the thought. I have been everywhere, I have lived everywhere for the past 4 years of my life. I am an adaptable man. Every day of my adolescence I had dreamed of leaving, but in the past months I had fancied of coming back.

I was alone in the road. Wala akong nakakasalubong na sasakyan sa nakalipas na 30 minutes. Sigurado akong ang lahat ng tao dito ngayon ay mahimbing na ang tulog at nakabalangot dahil sa malamig na simoy ng hangin dala ng bagyo. I checked my phone pero wala pa ding signal but I wasn’t worried. Ngayon ko lang ulit naramdaman na buo ako. Na hindi ko kailangang magpanggap dahil wala akong kaharap na camera o mga pekeng tao.

Nasa malalim na pag-iisip ako nang may mapansin akong nakatigil na kotse sa daan 10 meters away from me. Sino naman kayang baliw na kagaya ko ang nagtangkang lumabas sa ganitong panahon? Nang malapit na ako, napansin ko na nakabangga ang kotse sa isang puno.

Kinabahan ako bigla, pwede akong umalis na lang tutal hindi ko naman kilala ang sakay ng kotseng yun, pero napakasama naman ng ugali ko kung ganun ang gagawin ko di’ba?

Sinubukan kong humingi ng tulong gamit ang cellphone ko pero wala pa ding koneksyon.

Tae naman oh! Inaasahan kong magiging tahimik ang bakasyon kong ito, pero hindi pa nga ako dumadating sa bahay ko, eto at may nasalubong na sa’king kompormiso.

What Happens After A One Night Stand? (WHAAONS) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon