Chapter30. The Photoshoot.

30.2K 275 20
                                    

 

 

Chapter30. The Photoshoot.

 

“Gahd Princess! What happened to your eyes?! I told you to sleep well! What did you do?!” Ahh! Hindi ba pwedeng umupo muna? Kakarating ko lang sa set pero binubungangaan na agad ako nitong handler ko. Ganito ba talaga trabaho nila?

Nakakaasar kasi. I fell for Dylan’s prank! Niyaya niya lang naman akong mag-movie marathon kagabi habang hindi pa siya pumupunta sa shooting niya, ako naman si uto-uto, imbes na matulog na, nanuod pa! Umalis na siya ng 11pm pero patuloy pa din ang panunuod ko. Kasi naman ang gwapo lang ni Johnny Depp sa Pirates of the Caribbean! *drool*. Natapos ko yung The curse of the black pearl at Dead man’s chest. Magsisimula na sana yung At World’s End nang lumabas si Andrea.. Kung hindi niya pa pinaalala na may shoot ako ngayon, baka natapos ko pa yun! Pambihira! Pagtingin ko sa orasan, taraaaaaaaaan! 1:38am! Almost one and a half hour to sleep! >____<

Alam ko na sinadya ni Dylan yun para hindi ako makapunta ngayon, ayaw niya talaga pumayag na umalis ako ng maaga. Pero sinet ko lahat ng pwedeng mag-alarm kaninang 3am. Kaya kahit halos gumapang na ako papuntang CR, nakapaligo pa din ako.

“Ahh.. Sorry Micah. Insomnia.” Pagdadahilan ko na lang.

Bumuntong hininga lang siya tapos sinenyasan niya yung make-up artistsss.. There were three of them na within an instant, may isang nakahawak na sa buhok ko, yung isa pinupunasan yung mukha ko, and the other one naman inaayos yung susuotin ko siguro.

Nabigla naman ako. “Relax Princess. Get used to it.” Nakangiting sabi ni Micah tapos lumabas na.

I nodded. What can I say? All I wanna do now is sleeeeeeeeeepp! God! I’m beat!

45 minutes din nilang pinag-eksperimentuhan ang mukha at buhok ko pero hanggang ngayon ‘di ko pa din nakikita dahil nakatalikod ako sa salamin. At ewan.. Nakatulog ata (?) ako habang inaayusan. Maka-ninja moves a? Haha.

“Prince’s finally here! Get ready everyone!” Sigaw sa labas. And with that, nakita kong papalapit sa’min si Micah.

Nang nasa tapat ko na siya..

O____________________________O

Reaksyon niya. Oh God! Anong ginawa sa’kin ng mga ‘to?!

“Kyaaaaaaaaaa!! OMG! OMG! OMG!!! I can’t believe it! Xantiiii! You’re such an expert talaga!!!” Niyakap niya pa yung “Xanti” na obviously yung nagmake-up sa’kin.

“I told you leave it to me!” Pagmamayabang naman ni Xanti.

Tapos lahat na sila nakangiti sa’kin. ^_______________^

Eh?

“Are you ready to see the new you?” tanong ni Micah.

What Happens After A One Night Stand? (WHAAONS) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon