Kabanata Walo

199 21 13
                                    

CHAPTER 8: MISSY POV

1 week na ang nakakalipas ng mangyari ang NANGYARI samin, hindi ko na din napansin kasi busyng-busy ako sa PANLALALAKI.

JUST KIDDING ^__________^

Ang totoo niyan busy ako sa work ko. Iba pala talaga kapag ina-apply mo na sa work mo ang pinag-aralan mo. Kaya sinasabi ko sa inyo, lahat ng pinag-aralan sa college, lalo na pag major wag na wag niyong tutulugan or wag kayong magpetiks.

By the ways, gusto niyo bang sinisermunan kayo o gusto niyo na lang malaman kung nasaan ako?

Pusta ko, sagot niyo yong pangalawa. :)

Nandito ako ngayon sa KFC, nagkayayaan kami nila Juls at Shan. Gusto nila matikman yong snackbox, kala mo mga bata eh no?

After 1 week ngayon ko lang din makikita ang mga ito.

“Hello Sai.” Sabi ni Juls habang lumalapit sa akin at she kissed me on my cheeks.

 “Hi”

“Nag-order ka na para sa kakainin natin?”

“Hindi pa, um-order ka na nga. Baka mamaya palayasin na tayo dito.” ayos lang makautos eh no, sanay na yan saken.

“Sige, just wait me here. Anong order mo?” tumayo na siya, bitbit ang wallet niya.

“Snackbox tapos chicken fillet, at tsaka fries…” I paused, nag-iisip pa ako ng gusto ko pang order.” Wala na, drinks na lang ubos na tong Coke ko.” sabay sip sa natitirang Coke sa baso ko.

“Sa dami ng in-order mo, parang pangdalawang tao. Kung may boyfriend ka lang iisipin ko buntis ka.”

And with what she said, nabuga ko ang softdrinks sa bibig ko. Agad akong kumuha ng tissue at pilit sininga ang pumasok sa ilong ko.

“Shem, Julienne Shimaru don’t you ever joke at me like that.” Sinamaan ko siya ng tingin.

“What happened to you?” Nakatingin lang siya sa akin na parang takang-taka.

And I realized what I’ve acted. “Wala, nevermind. Sige na, mag-order ka na dun.”

Napailing-iling siya habang paalis

Oh gosh! Nakakainis lang, hindi magandang biro yon ah. Nagulat talaga ako doon.

Nakakawala ng ganda, wait! I’ll just get my pouch and I’ll put some lipstick while waiting for Juls or Shan, depende kung sino ang unang dumating.

Nang bumalik si Juls buhat ang tray kasama niya na si Shan, humalik siya sa akin and umupo sa tabi ko, si Juls nilagay na sa mesa ang pagkain at umupo na din.

Kinuha ko agad yong chicken fillet and kumagat agad. Napatingin ako kila Juls at Shan when I observed na nakatingin pala sila sa akin pareho.

“Anong problema niyo dyan? Kailangan tinitingnan ako kapag kumakain?”

“Parang gusto ko nang maniwala sa sinabi ni Juls na buntis ka.” si Shan

Sinamaan ko siya ng tingin.

“Umayos nga kayong dalawa sa trip niyo. Hindi nakakatuwa ah.” Pagkatapos ko kumagat sa fillet sinip ko ung Coke.

“Edi sige na, hindi ka na aasarin. Iibahin na ang topic, saan ka natulog nong pumunta tayong PinPoint?”

At dahil sa tanong niya, nabuga ko na naman ang Coke

“Oh my! Where’s your manners Sai?”

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Where stories live. Discover now