Kabanata Tatlumpu't-Apat

78 7 5
                                    

--- Sorry kung napakatagal ko mag-update ng story ni Missy, wala kasi akong net at nagrerent lang ako. at dahil babawi ako may kasunod pa ang UD na ito.

*****************************

I was so happy dahil finally nakilala ko na din ang sarili ko at napatunayan kong hindi tama lahat ng mga pinaratang sa akin ng mommy ni Venn.

Si Venn, miss ko na siya, pero alam kong kailangan ko siyang tiisin ngayon kasi sobrang sakit ng ginawa niya sa akin.

Kailangan ko na siguro talagang sanayin ang sarili ko na kayaning balewalain siya, mag-enroll kaya ako para dun? Kaya lang may subject bang ganun? Wala naman yata.

“Baby handa na ang dinner bumaba ka na para kumain.”

“Yes mommy, bababa na ako,” I’ll just get my purse and then bumaba na ako. Yeah, may dala akong purse kasi balak kong makipagkita sa mga baliw kong kaibigan namiss ko na sila kabonding.

Kumain lang kami nila mommy and then nagpaalam ako na aalis, pinayagan naman ako ni mommy kasi sinabi kong sila Shan ang imi-meet ko. Pero habang nasa biyahe ako I receive a call from unexpected person--- si Venn.

”Bakit ka napatawag? May kailangan ka ba?” tama lang naman na magtaray ako diba? He deserves that.

“Missy gusto kong makipagkita sayo, mag-usap tayo…” then he sighs “gusto kong ayusin na tong relationship natin.”

Ayusin? Paanong ayos? Makikipagkita siya para sabihing hanggang dito na lang talaga kaming dalawa? Isipin ko pa lang na mangyayari ang bagay na iyon parang nahihirapan na ako. Pero ano pa nga bang magagawa ko, kung ito talaga yong ending nang relasyon naming dalawa, mukhang wala na akong magagawa pa.

“Sige, just give me the place.”

At tinapos na namin ang usapan pagkatapos niyang sabihin sa amin kung saan kami magkikita.

And there, mula sa entrance ng nasabing restaurant nakikita ko siya and she’s with Janna. Bakit nandito ang babaeng yan, nong kinalaman niya sa relasyon na meron kami ni Venn? She’s just a BESTFRIEND.

Nakita ako ni Venn at agad siyang tumayo para salubungin ako, inalalayan niya ako pero hindi ako pumalag dahil ayokong gumawa ng scenario.

Pinaghila niya ako ng upuan sa tabi niya at pinaupo ako, hindi ako nagsasalita nakikiramdam lang ako, anong meron?

Wala naman akong nararamdaman na kakaiba, tiningnan ko ang mukha ni Janna, wala sa hitsura niya ngayon yong lagi kong nakikita sa kanya. Bakit parang may something, ano ba talagang nangyayari?

“Akala ko ba aayusin natin ang relationship natin, anong maitutulong ng bestfriend mo sa problema natin?” sabi ko habang hindi mapigilang magtaas ng kilay kay Janna. Masama na kung masama pero masisisi niyo ba ako? Hindi kasi talaga maganda ang aura nitong si Janna sa akin dati pa man.

“Do I really have to do this?” tiningnan muna ako ni Janna bago siya tumingin kay Venn.

“You have to do this, so I can forgive you for tha damages that you’ve caused in our relationship Janna, and that is final.”

Ano ba to, parang business meeting lang ang magaganap ah.

Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko kila Venn at Janna, I don’t know what’s going on.

“Mamaya na tayo mag-usap um-order muna tayo”

Tumawag siya ng waitress to give us the menu, nong hawak ko na yong menu di ko pa rin maiwasang pasimpleng tumingin kila Venn at Janna, parang may tensyon sa pagitan nilang dalawa, kung ganun man bakit nandito si Janna kung hindi sila Okay.

Stop it Missy, just focus your eyes on the menu. Himala, ngayon ko lang ulit naramdaman ang normal kung pag-iisip, buhay pa pala yon.

Sa sobrang tense ko hindi ko napansing tatlong drinks pala ang naorder ko, hindi heavy ang mga foods na in-order ko, ayokong kumain masyado, makita ko pa lang ang mukha ni Janna parang nawawalan na ako ng gana.

Nang makuha na nang waitress ang lahat ng order namin, balik na naman ako sa pagtingin sa kanilang dalawa. Para na akong tanga kasi wala na akong ginawa kundi tumingin, pero hindi ko kasi alam kung anong sasabihin, parang gusto ko na tuloy magsisi na hindi ako tumuloy sa usapan namin nila Shan at Juls.

With the idea, kinuha ko na lang muna ang phone ko para tawagan sila at sabihing hindi ako makakarating, mukha naman kasing wala pang magsasalita kila Venn.

“Baliw, nasan ka na?”

Upon hearing the voice of Shan on the other line nagsabi ako ng excuse kay Venn at lumabas muna ng restaurant.

“Nandito ako sa resto kasama ko si Venn at si Janna.”

“So anong ibig sabihin niyan, hindi ka na makakapunta dito?” kilala ko si Shan at alam kong sa boses niya nagtatampo na siya sa akin.

“I don’t know, it depends kung gaano katagal bago magsalita yong dalawa. You see, tinawagan kita kasi pakiramdam ko matutuyuan ako ng laway sa dalawang yon, wala akong makausap.”

“Sabi ko na nga ba darating yong time na ipagpapalit mo kami dyan sa lovelife mo eh, sige na enjoy your night.”

“Shan naman eh, gusto ko lang naman maayos to, kung kailangan na ng closure edi ibibigay ko kahit masakit. Alam ko kasing bihira lang ang nabibigyan ng closure sa relationship.”

“Oh sige na, pasalamat ka mahal ka namin, tawagan mo na lang ako kapag makakahabol ka pa.” and she ended the call.

Bumalik ako sa loob at nakita kong nandoon na ang pagkain, nakita ko din kung paanong mag-usap ang dalawa para silang nagtatalo pero naka-minimize lang ang voice nila.

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon