Kabanata Dalawampu't Tatlo

151 12 10
                                    

i dedicate this chapter ro her ! salamat ng marami ATE! sa pagsasabi na magaling ako magsulat !

inaabangan ko din yong mga gawa mo, lalo na yong ipapasa mo sa PHR! Hindi na ako makapaghintay :)))))))))))))))

********************************************

Naiinis na ako, konting-konti na lang mapupuno na ako kay Venn, nagtatampo na ako pero parang wala lang sa kanya, pinigilan nga niya akong umalis pero pinaupo lang ako dito at pumunta naman siya sa kusina.

Parang gusto ko na siyang kagatin! Kagatin sa kahit saang part ng katawan niya!

“Ano ba? Dyan ka na ba titira?” Aish! Ayoko sa lahat paulit-ulit akong ginagawang tanga eh.

Lumabas na siya sa kusina at may dalang isang bowl na punong-puno ng CHEESERINGS.

Ang tagal niya akong pinaghintay, para lang sa pagkuha niya ng pagkain na yan?

“Konti na lang uusok na yang ilong mo, relax Glance,”

“Paano akong magrerelax kong ganito ang ginagawa mo sa akin? Para akong tanga, pagkatapos nang nangyari kagabi grabeng pambabalewala gagawin mo saken,” hindi ko na napigilan ang mga luha na pumatak mula sa aking mga mata, “pagkatapos ng nangyari kagabi, ganito na lang, kumikilos ka na parang hindi mo ako nakikita,” sabi ko sa pagitan ng pag-iyak.

Napakamot siya sa noo niya, kahit na gwapo siya at kahit na gustong-gusto ko siyang halikan na lang ayokong gawin, kasi kapag ginawa ko yon lalo ko lang pinatunayan sa kanya na mahal na mahal ko talaga siya.

“Baby, hindi iyon tulad ng iniisip mo,” inalis niya ang distansyang nakapagitan sa aming dalawa at agad akong niyakap. “I’m sorry… isa lang naman ang gusto ko eh,”

Humiwalay siya sa akin saglit at kinuha ang bowl na may maraming cheeserings.

“Alam mo bang sa sobrang excited ko, lahat ng naisip kong paraan para magpropose sayo, nakalimutan ko” binuhos niya lahat ng cheeserings sa sahig, may narinig akong tumunog, hindi ko alam kung puso ko ba yun o may nalaglag talaga.

“Crap!” binitawan niya ang kamay ko tumingin siya sa ilalim ng couch, table at sa kung saan-saan pa, “Wala talagang pakisama, ngayon pa nawala,”

Sumilip siya sa ilalim ng estante ng mga alak, nakatingin lang ako sa mga ginagawa niya, “There you go,” nakita kong may kinuha siyang bagay at medyo nanginginig pa yong kamay niya.

Tumayo na siya at tumingin sa akin, “Hindi ko talaga alam kung anong meron sayo Missy, tingnan mo, lahat ng gusto kong gawin pumapalpak, lalo na at alam kong nagagalit ka na sa akin nawawala ako sa foucs, pero gusto kong i-explain yong side ko.” huminga pa siya ng malalim, parang hirap na hirap siya magsalita, yan ba yong epekto ng pagpunta niya sa Japan? “Kinakabahan talaga ako simula pa lang kaninang umaga pagkagising ko, hindi ko alam kung paano magsisimula, kung paanong paraan ang gagawin ko para maging masaya ka dito sa gagawin ko,”

Lumuhod siya sa harap ko, “Pwede bang ako na lang ang pahintulutan mong maging katuwang mo sa buhay, magiging ama ng mga anak mo at ang magiging Lolo ng magiging apo mo?”

Kung sa TV ko yan napanood, sasabihin kong Corny, pero yong saya ko habang sinasabi niya yon sa akin, walang mapaglagyan.

Sa sobrang tuwa ko, hayan na naman ang mga luha ko, nag-uunahan na naman sila sa pagpatak.

“Yes Venn,” yan na lang ang tangi kong nasabi.

Sinuot niya ang singsing sa daliri ko at niyakap ako ng mahigpit

“Ang gusto ko sanang mangyari ay kainin natin ng sabay yong Cheeserings kasi memorable para sa akin ang cheeseringds na yan. Gusto kong kainin natin ng sabay hanggang sa maubos para makita mo yong singsing, kaya lang hindi ka makapaghintay, yan tuloy nasayang yong favorite ko,” sinundan niya yon ng tawa, pati tuloy ako natawa na din.

Grabe, sa isang iglap lang yong inis ko sa kanya, napalitan ng kakaibang saya, palpak man ang proposal niya sa akin, ayos lang.

Ano bang mas mahalaga? Yong dami ng preparation o yong mismong pagsuot niya ng singsing?

Diba yong pangalawa?

Nong medyo nakarecover na kami sa mga pangyayari ay naisipan naming maupo muna at mag-usap. Napag-usapan namin ang tungkol sa mga ginawa niya sa Japan.

At nabalik kami sa usapan about sa proposal, “Ano ba kasi talaga dapat ang plano mong pagpo-propose?” tanong ni Missy

“Gusto ko nga sana ng may cheeserings kasi memorable yong nangyari sa atin doon sa drug store, kaya lang ikaw kasi eh,” pinisil niya pa yong ilong ko, ang sakit kaya. “tamang tampo ka agad sa akin,”

“Kahit sino naman sigurong babae, ganoon ang iisipin, dapat kasi sinabi mo edi sana hindi na ako nagalit,”

“Surprise nga kasi iyon,”

“Hindi na din naging surprise kasi nga palpak yong ginawa mo,”

“Kung hindi ako kinabahan sayo magagawa ko yon ng maayos, wag mo na ikwento kila Jul sang ginawa kong proposal, nakakahiya.. Pagtatawanan nila tayo kapag nalaman nila,”

“Haha! Gusto ko ikwento, unique kaya, kakaiba talaga.”

“Tss…”

"I LOVE YOU VENN"  sabi ko na lang para hindi na siya magsalita pa ulit

"Mahal din kita Missy"  aba! yon na nga lang sinabi ko, sumagot pa din,

Pero ayos lang, kinikilig ako. HAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHHAHA

Kumain kami ng meryenda at pagkatapos noon at hinatid niya na ako sa bahay,

*******************************************

yong nakakinis kasi, gusto mo siya maging nakkatawa pero hindi mo magawa :(

nakakatawa ba? Sana naman natawa kayo ! :)))))

Hindi ako magaling magpatawa eh, kikilitiin ko na lang kayo, Ayos na ba yon ? HAHA!

muah :* salamat sa lagbabasa :D

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Where stories live. Discover now