Kabanata LabingSiyam

182 15 12
                                    

Mabilis na lumipas ang panahon, ganon siguro talaga kapag masaya ka. My relationship with Venn is going smoothly within the three weeks that has passed.

Kung saan-saan kami nagpupunta kapag weekends, kapag weekdays naman sinusundo niya ako from my work tapos sabay kaming magdidinner, laging ganyan ginagawa namin.

Pero ngayon may importante kaming lakad, umuwi na kasi ang parents niya from somewhere down the road, joke lang! Galing ng Canada… kinakabahan tuloy ako, kagabi daw dumating yon sabi ni Venn nang magkausap kami sa phone kanina.

Hindi ko alam kung paanong pakikiharap ang gagawin ko sa parents niya,

pwede kayang patalikod?

Hay naku Missy, napakadami mo namang kalokohan, hindi tatalab ang kabaliwan mo sa magulang niya, dapat demure ka, at ipakita mong deserving ka bilang manugang nila.

At sino pa nga ba yang nanenermon na yan, walang iba kundi ang matino kong pag-iisip, buti sana kung kapag sinabi kong gusto kong demure ako eh yon yong gagawin ng author nito, kaya lang minsan pati siya sumasabutahe eh, kagatin sana ulit siya ng madaming langgam. Peace!

 May kumatok sa pinto ng dalawang beses at sumilip ang ulo ni Mommy sa pinto.

“Baby, nandyan na si Venn sa baba,” yan ang nagpahinto sa akin sa pakikipag-usap sa utak ko.

“SIge Mommy, susunod na po ako. Naglagay ako ng lipstick at kinuha ang pouch ko and then lumabas na ako ng kwarto ko,”

Nakita ko si Venn na nakatingin sa akin habang pababa ako ng hagdan, pakiramdam ko tuloy parang debut ko lang at hinihintay ako ng escort ko.

“Ayos lang ba yong damit ko, hindi ba to nakakahiya sa parents mo?” sabi ko nang tuluyan na akong makababa ng hagdan, hinawakan ko pa ang dulo ng suot kong dress at nag-courtsey pa ako sa harapan niya.

“Kahit nakapantulog ka lang, maganda ka pa din.” Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi, “At tsaka hindi naman mayaman na mayaman ang pamilya ko kaya ayos lang kahit ano pang suot mo.”

“Hay naku, nambola ka na naman Venn, kaya lumalaki ulo niyang si Missy, umalis na kayo at baka abutan kayo ng trapik sa daan.” Si Mommy, panira ng moment.

“Inggit ka lang Mommy kasi wala si Daddy ngayon hindi ka niya maki-kiss,” nakangiti kong sabi, lumapit ako kay Mommy at nakipagbeso, “Alis na kami, bye…”

“Alis na po kami tita,” si Venn,

Sumakay na kami sa sasakyan at nagbyahe papunta sa bahay nila,

Doon kami pupunta sa pinakabahay ng Tenerife, hindi lang sa condo ni Venn.

“Sinu-sino ang mga nandoon sa bahay niyo?”

“ Sila Mom and Dad…” tumingin siya sa akin saglit, saglit lang kasi kapag tinagalan niya panigurado sa hospital kami didiretso, nagda-drive kasi siya ng kotse,  “Nandoon din si Janna,” yan ang sinabi niya matapos niya akong tingnan.

Sino ba yong Janna na iyon at kailangan niya pa akong tingnan kahit nagmamaneho siya?

“Hindi mo na naaalala?”

“Hindi, sino ba yon?”

“Yong bestfriend ko na nasa picture,”

At kahit sinabi niya na, hindi ko pa din maalala talaga, ”Hindi ko pa rin maalala”

“Remember the first day we met? The picture on my condo, yong pinagselosan mo,”

Parang may bombilyang biglang nagliwanag sa utak ko, naalala ko na.

Sa lahat ng pinagseselosan ko sa mga babaeng tumitingin kay Venn siya ang hindi ko makakalimutan. Ewan ko ba, para kasing may something sa personality niya kahit hindi ko pa siya nakikita, parang sinasabi ng utak ko na mag-ingat ako sa kanya.

“Yah, naalala ko na,” nang maisip ko yong unang sinabi ni Venn –nandoon si Janna—parang bigla akong kinabahan, girl’s instinct ba to?

Karibal ko ba siya kay Venn?

Kayo, ano sa tingin niyo?

*****************************************************

Ang sagot ay pwede niyong i-Comment :)

Thanks in advance sa sasagot :D

THANK YOU FOR READING <3

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon