Kabanata Tatlumpu't-Dalawa

113 7 9
                                    

-------- Kyaaah! namiss ko si Missy :)) ikaw, namiss mo din siya diba? Ayan na po ang update :)

*******************

Galit na galit si Missy sa nakita niya, hindi ko rin naman siya masisi kasi alam kung, kung naging babae ako at yun ang naabutan ko ay magagalit din ako. Alam kong sobrang nasasaktan si Missy ngayon, kaya nga ito pagkalabas niya ng pinto ay hinabol ko talaga siya. Nakakainis lang kasi ang bilis magsara ng elevator, hindi ko na tuloy naabutan si Missy.

“Missy, let’s talk” buti na lang nahatak ko ang kamay niya bago pa siya tuluyang makapasok sa kotse.

“Bakit iniwan mo ang ex mo don sa taas, wag mo siyang iwan, di’ba mas iniisip mo yong kapakanan niya kesa sa akin?” Alam kong nasasaktan si Missy sa kung anuman yong naabutan niya sa condo ko kanina, kaya nga pinipigilan ko siya ngayon eh.

“Missy, namisinterpret mo lang ang mga bagay,” Ano pa nga bang masasabi ko? Wala na akong ibang alam sabihin sa kanya kundi yan, kasi kahit ako hindi pa ako sigurado kung ano ba talaga ang totoong nangyari, pero alam ko at sigurado ako na walang nangyari sa amin ni Donna, D*mn me! Ang tanga ko kasi, bakit ko pa naisipang uminom imbes na kausapin si Missy kagabi.

“Ako ang mali? Mas matino pa nga ako mag-isip kesa sa ibang tao eh, kasi kung hindi ko lang inisip na edukada akong tao, baka kinaladkad ko palabas yong babae na yun, baka nga hindi lang yon ang magawa ko sa kanya, baka napatay ko pa kayong dalawa, kaya please…” tumingin siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya at tumingin siya sa mata ko sa matalim na paraan. “Bitiwan mo ang braso ko bago pa tuluyang magdilim ang paningin ko at masaktan kita,”

Kahit na masakit para sa akin ang bitiwan ang kamay niya, wala akong nagawa kundi palayain muna siya, alam ko kasing galit na galit siya sa akin.

Laglag ang balikat ko ng pumasok ako sa unit ko, nakita ko din si Donna na akmang bubuksan ang pinto.

“Aalis ka na lang ba ng ganun na lang at hindi ipapaliwanag sa akin ang nangyari?”

Nakit ko ang bahagyang pamumutla ng mukha ni Donna sa tinanong ko sa kanya.

“Venn,” bigla na lang siyang umiyak, “I’m sorry, Patawarin mo ako,” lumuhod na siya sa harap ko. “si papa kasi, naospital siya at kailangan ko ng pera, kaya kahit ayaw ko wala akong nagawa kundi gawin ang pinag-uutos niya.”

Kahit galit ako, naawa pa din ako sa kanya.

“Sabihin mo sa akin kung sino ang nag-utos sayo nito at patatawarin kita.”

Tumingin muna siya sa mga mata ko bago sumagot, “Si Janna. I’m sorry…” tumayo na siya at tuluyan ng lumabas ng condo ko.

Hindi ko alam kung ano angdapat kong maging reaksyon sa mga nalaman ko.

Agad akong tumayo para magbihis, gusto kong makausap si Janna.

*******

“Venn anong ginagawa mo dito?” tanong ni Janna nang makitang si Venn ang nasa labas ng pintuan.

“Mag-usap tayong dalawa” tuloy-tuloy akong pumasok sa bahay niya at wala siyang nagawa kundi sumunod na lang din sa akin.

“Anong pag-uusapan nating dalawa Venn? Himala at alam mo pa pala ang daan papunta dito sa bahay ko.” alam kong may sarkasmo sa klase ng pananalita niya, naikuyom ko ang aking mga palad.

“Wag kang magkunwari na parang wala kang alam sa nangyari sa akin Janna, alam kung may kinalaman ka kung bakit nagkakaganito ang relasyon namin ni Missy.”

“Kayong dalawa ang nasa relasyon, bakit kailangan niyong mangdamay ng tao kapag nagkakaproblema kayo?”

“Hindi kita idadamay dito kung alam kong wala kang kinalaman, wag ka ng magsinungaling Janna, umamin na sa akin si Donna na binayaran mo siya para samahan ako mula sa bar hanggang sa condo.”

Nakita ko ang biglaang pag-iiba ng expression ng mukha niya, “That B*tch! Binayaran na nga ay nakuha pang magsalita.”

“Willing akong bayaran ang binayad mo sa kanya Janna, pero sa ngayon, sabihin mo muna sa akin kung ano ang intensyon mo at ginagawa mo to,”

Ang galit na nasa mga mata ni Janna ay unti-unting napalitan ng nagmamakaawang tingin. Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap and as a few seconds pass by naririnig ko ang paghikbi niya. “Venn, I’m so sorry. I’m so sorry if naging masama ako sa inyo ni Missy, mahal kasi kita, mahal na mahal kita simula pa lang ng mga bata pa tayo. Naiinis ako sayo kasi napakamanhid mo, pinangarap ko na ikaw yong mapapangasawa ko tapos ikaw naman nakilala mo si Missy, nathreatened ako kay Missy kasi siya lang ang babaeng pinag-aksayahan mo ng oras, siya lang yong tinitingnan mo ng ganon, at sa kanya ka lang nagmahal ng ganyan. To think na dapat lahat ng pinapakita mo kay Missy, sa akin mo dapat ginagawa yon.”

My poor bestfriend, bakit nga ba hindi ako naniwala sa mga friends ko dati na may feelings talaga sa akin si Janna, bakit kasi naisip ko na ganun lang siya kasi KUYA ako para sa kanya, hindi kahit minsan pumasok sa isip ko na bigyan ng malisya lahat ng ginagawa niya para sa akin. Niyakap ko na lang siya para i-comfort, I feel guilty. Nagi-guilty ako kasi alam ko may fault din ako kung bakit siya naging ganyan, kung hindi ko siya ini-spoil, hindi siya mag-iisip ng kung ano just to ruin our relationship.

 Kaya kahit sobra na ang ginawa niya, hindi ko pa ring magawang magalit ng tuluyan sa kanya, para ko na kasi siyang kapatid talaga. Ayusin niya lang ang gulong ginawa niya ngayon kakalimutan ko na lahat ng ginawa niya.

“I’m so sorry Janna, pero hindi ko magagawang suklian yang nararamdaman mo para sa akin. Tama ka nga, mahal ko si Missy at hindi ako papayag na mawala siya sa akin. Kaya please…” kinalas ko ang pagkakayakap ko sa kanya at lumuhod ako sa harap niya. “Ayusin mo ang gulong ginawa mo Janna, sabihin mo kay Missy na ikaw ang may pakana nang lahat. Please Janna, hindi ko kaya kapag nawala ng tuluyan si Missy sa akin.”

Alam ko parang ang selfish ng request ko kasi hindi ko iniisip yong nararamdaman niya, pero anu pa nga bang magagawa ko eh alam ko naman na siya na lang ang tanging taong pwedeng umayos ng lahat dahil siya ang nagsimula ng gulo.

Pinunasan niya ang luha sa pisngi niya, “Tumayo ka nga dyan, oo na, tutulungan na kita. Pasalamat ka mahal kita.” Tapos tumawa siya

“Thank you Janna!” and I hugged her again.

“I guess ito ang simulapara sanayin ko ang sarili ko na hindi ka talaga magiging akin.” Bulong ni Janna sa sarili…

 -- excited na ako sa magiging pagkikita ni Janna at Missy. ikaw ba ??

penge tissue T___T konting tulak na lang, tapos na ang Missy :))))

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Where stories live. Discover now