Kabanata Dalawampu't Lima

145 11 4
                                    

“Simula ngayon, layuan mo na ang anak ko!” pagkatapos niya akong buhusan ng juice na iniinom ko, ito pa ang matatanggap ko? Layuan ko daw si Venn? Hindi ako makapapayag.

Mahal na mahal ko si Venn,

Imbes na sumagot ako sa sinabi niya, tinawag ko ang waiter at sinabing bigyan niya pa ako ng tatlong pineapple juice, batid ko ang sobrang pagtataka sa mata ng Mommy ni Venn, dahil alam niyang dalawa lang kami pero tatlo ang in-order ko. Isa din ito sa naiisip kong paraan para mabaling sa iba ang atensyon ko, baka kasi mawalan ako ng respeto sa kaharap ko at baka kung ano pa ang masabi ko.

“Bakit niyo po ninanais na layuan ko ang anak niyo?” ito na yata…

 ito na yata ang sandaling pinakahihintay ko kahit isang chapter lang ay magiging dalagang FIlipina ako.

May inilabas siyang isang isang envelope, at inabot iyon sa akin. Ano pa bang gagawin ko, syempre kinuha ko iyon at binasa ang nilalaman.

Sinasabi doon na isang bayarang babae ang nanay ko, na AMPON lang ako nila Mommy at Daddy, at halos lahat ng impormasyon tungkol sa akin, nandito din ang impormasyon tungkol sa una naming pagkikita ni Venn,

“Through the help of Janna, we had investigated you.” Tiningnan niya ako sa paraang nang-uuyam “Ayokong magkaroon ng manugang na anak ng isang bayarang babae, hija. Ayokong masira ang pangalan ng pamilya namin, at ayokong maging asal busabos ang magiging mga apo ko.”

Naiiyak ako, naiiyak ako kasi alam kong hindi man direktang sinasabing maduming babae din ako ay alam kong iyon ang nais niyang ipahiwatig, ayaw niya akong maging parte ng pamilya nila. Hindi man kami naririnig ng ibang tao ay alam kong sobrang pagkapahiya ang nararamdaman ko. Sa kanya at sa sarili ko.

Magsasalita na sana ako, pero dumating na ang in-order kong pineapple juice, SALAMAT SA MABILIS NA SERBISYO ng restaurant

Kinuha ko ang pineapple juice at binuhos iyon sa sarili ko, kinuha ko ang isa pa at binuhos ko din iyon sa aking sarili, “Tinira ko ang isa para sa inyo Ma’am” ayaw ko na siyang tawaging tita kasi base sa sinabi niya ay ayaw niya ako bilang girlfriend ng anak niya.

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Where stories live. Discover now