C47: The vengeful one

168K 3.7K 1.3K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

--

Denise's POV


Bukas na.

At ngayon palang, nakakaramdam na ako ng kaba at takot. Dapat ba talaga akong pumunta? Ilang beses ko na ring pinag-isipan ito bago matulog kagabi. Masyadong delikado lalo na't alam kong lubha silang mapanganib upang pagkatiwalaan.

Ngunit ba't ganito ang nararamdaman ko?

Para bang ... kailangan na kailangan kong pumunta.

"Hindi ka pupunta sa basketball game ni Ash?" Tanong ni Philip habang papunta sa upuan niya na katabi ko lamang.

Umiling lang ako kasabay ng isang ngiti.

"Bakit naman? Mas maganda kung nandun ka." Sabi niya nang nilapag niya ang bag niya.

"Hindi kasi ako mahilig manood ng mga ganun." Simple kong sagot.

Sa totoo lang, hindi naman dahil doon. Gusto kong tumakas. Narinig ko kasi na manonood ang mga taga-Marylaine Academy. Ayokong makita sila, ayaw kong makita nila muli ako. Malapit ko nang makalimutan ang lahat, ayaw kong maalala muli ang lahat lahat.

"Andy! Mabuti at pumasok ka na." Napatingin ako sa may pintuan at nakita ko si Andy na nakangiti sa iba naming kaklase.

Kasabay niyang pumasok si Nichole. Bigla kong naalala ang nakita kong tattoo na tatlong paru-paro sa may pulso niya kung san paliging tinatakpan ng relong araw araw niyang suot.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya nang lumapit siya sa kinauupuan ko.

"Oo naman.Bakit naman ako hindi magiging maayos?" Sagot niya na nakangiti pa rin na katulad pa rin ng dati.

Tumingin ako sa kanya ng deretso at natatawa niya akong tinanong.

"Ano bang problema Denise? Ang wirdo mo." Kasabay ng isang mahinang pagtawa ulit.

"Sa lahat ng taong nandito ikaw ang pinakamalapit kay Lilith. Kaya..." hindi ko alam kung sasabihin ko ba na dapat siya ang pinakanagluluksa o ang pinakamalungkot dahil sa pagkamatay ni Lilith pero tila ba napakahirap sabihin nito.

"Wala na. Wala na siya. Kahit anong gawin ko, wala na talaga siya." Ngumiti lang muli sa akin si Andy.

Nagsisinungaling siya..

Alam ko.

Napatingin ako sa harap nang pumunta doon si Nichole. Bigla akong nakaramdam ng inis--hindi galit. Sa lahat ng taong nandito siya ang unang-una kong pinagkatiwalaan. Ang class president, ang pinakamabait, pinakapasensyosa at ang pinakatahimik ngunit ang lahat lang pala ay pagbabalat-kayo. Kung totoo nga ang sinabi ni Angie tungkol sa mga tattoo ng mga killers, isa nga siya sa kanila.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon