C50: The end is near

176K 3.5K 1.2K
                                    

                 

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1)   Wag magbasa sa comment section.

2)   Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

--

Denise's POV


"Ayos ka na ba?" Tanong ko kay Ash habang nakahiga siya sa kama.

Nasa hospital kami ngayon. Napakaswerte na naihabol pa namin si Ash kung hindi, mawawalan siya ng maraming dugo.

Tumango lamang siya at ngumiti.

"Nandiyan ka naman eh." Sabi niya.

Ngumiti ako sa kanya at muli kong binaling ang atensyon ko sa tatay niya. Pinagmamasdan niya at tila ba'y pinag-aaralan ang halaman na nasa gilid ng bintana.

Lumapit ako sa kanya at nagsalita, "Tito, gusto nyo po ba sa may garden? Mas maraming halaman doon."

Nagkaroon ng masisiglang kislap sa mga mata niya na tila ba'y isang batang inalok ng sorbetes. Nagpresenta naman ang kararating na nurse na samahan ang tatay ni Ash patungo sa garden at bantayan na rin doon habang ako ay naiwan sa loob ng silid.

"Pupunta silang lahat." Wika ko kay Ash pagkatapos kong matanggap ang text ni Amanda. Halos buong klase daw ay pupunta dito sa hospital upang bisitahin si Ash. Tumango muli sa akin si Ash at sinabihan ko na magpahinga muna siya nang sandali.

Pagkaraan ng ilang minuto ay narinig kong may kumatok. Pinapasok ko naman agad sila Amanda at tulad ng inaasahan, halos buong klase nga ay nandirito. Nakangiti silang lahat habang papunta sa kama ni Ash. Kinamusta nila ang lagay ni Ash at kung minsan ay nagkakabiruan na lamang. Napakagaan sa pakiramdam.

Mukhang tapos na nga talaga ang lahat.

Napilit rin kami ng ilan na ikwento ang lahat. Doon nila nalaman ang mga totoong murderers, si Nichole, Summer at Vince. Ang iba ay nagulat, ang iba naman ay nagsabi na hindi kagulat-gulat na sila ang gumawa ng lahat ng iyon. Napatingin kaming lahat nang pumasok si Andy.

"Oy, Andy nandito ka na pala." Sabi ni Ash ngunit walang tugon si Andy. Nginitian lang niya ako at si Ash saka sumama sa kumpulan ng klase. Nakipag-apir siya sa ibang lalaki at kinamusta si Ash.

"Grabe, parang adventure pala ang ginawa nyo. Buti nakatakas kayo." Sabi ng isa naming kaklase.

"Oo nga eh, di pa rin ako makapaniwala ngunit may pinagtataka talaga ako sa lahat. Hindi ko nabanggit sayo ito Denise kagabi dahil sa bilis ng panyayari na nakalimutan ko na rin ito ng mga sandaling iyon."

Napatingin ako kay Ash sa sinabi niya.

"Noong nagising ako, agad kong nakapa ang flashlight sa tabi ko. Binuksan ko yon. Tinawag ko si Denise ng ilang beses, akala ko nandoon lang siya. Malaki ang kwartong kinalalagyan ko. Tapos may bigla akong nailawan na babae. Kamukha  ni Denise, ganung-ganun siya pero nakatalikod papunta sa pintuan. Kamalasan naman at naubusan ng baterya ang flashlight na hawak ko basta nakita kong tumakbo yung babae. Sa buong pag-aakala ko na ikaw yun ay sinundan ko siya. Doon ko nakita ang gallon ng gasolina. Natanaw ko naman na nakalabas siya ng gusali kaya inisip ko na nakatakas ka na. Kahit nagdududa ako nun, kinuha ko na yung gallon ng gasolina at kinalat sa buong unang palapag. Balak ko ring libutin ang pangalawang palapag dahil baka sakaling namalik-mata lamang ako nun ... doon kita nakita."

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon