C6: Akira

344K 7.9K 2K
                                    


BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

--

Denise's POV


"A-Ash?..."

Ilang minuto na kaming nagtititigan dito. Nakatingin pa rin siya ng masama sa akin sa di ko malaman na dahilan. Ano bang nagawa ko? Hindi ako makagalaw dahil sa mas malakas siya sa akin, ni hindi ko nga maitaas ang kamay ko dahil sa mahigpit na pagkakasandal niya sa akin dito sa locker.Takot na takot ko siyang tinitignan habang siya naman ay galit pa rin ang nangingibabaw sa mga mata.

"Magpakatotoo ka nga Denise." Bigla siyang nagsalita."Umamin ka!"

"Ha?" sabi ko dahil sa pagtataka sa mga sinasabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa ito. Anong aaminin ko? May nagawa ba akong mali sa kanya o kahit kanino?

"Bakit mo pinatay si Angie? Bakit mo pinatay si Kevin? At ano ba talaga ang balak mo?!"

"Ako? Pumatay?" Pagtataka ko pa rin sa tanong niya. Hanggang ngayon hindi pa rin kayang initindihan ng utak ko ang mga sinasabi niya. Ako? Killer?

"Ikaw ang killer diba? Umamin ka!" mas idiniin pa niya ang pagakakasandal ko na naging dahilan ng pagkakauntog ko sa locker. Hindi ko maintindihan kung ba't niya iniisip ang ganito. Sa sandaling ito, nanginginig na ko sa takot at kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Ano bang klaseng sitwasyon tong nasa harapan ko?

"N-Nagkakamali ka.." Sabi ko habang para bang nawawalan na ng hininga.

"Ano?" tanong niya sa akin.

Huminga muna ako ng ilang sandali at tsaka nagpatuloy sa pagsasalita. "Hinahanap ko rin sila.." tumingin ako sa kanya. "Si Angie mismo ang nagsabi sa akin. May tatlong killer, nasa klase natin. Nakakasama natin sa araw-araw, nakakausap at baka mamaya isa pa sa mga kaibigan natin. Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa ito. Basta alam ko, nagsimula ito doon sa pagpatay kay Teacher Yuko. Kaya hindi ako kalaban. Maniwala ka sakin Ash."

Umatras siya at napahawak sa ulo niya. Napakamot siya sa ulo saka nagsalita. "Pasensiya ka na sa reaksyon ko kanina. Ikaw kasi yung huling kinausap ni Angie. Ikaw lang din ang may alam sa ibig sabihin nung sinabi ng killer at isa ka sa mga di ko masyadong kilala sa klase na to. Pero kapag nagsisinungaling ka lang ngayon, lagot ka sa akin."

Kilala si Ash sa buong Laketon Academy. Pinipilahan ng mga babae dahil sa kanyang kagwapuhan at personalidad at dahil sa likas niyang galing sa iba'-ibang sports. Hindi ko siya masyadong nakakausap dahil lagi siyang napapaligiran ng mga kaibigan niya at sa una pa lang ay nahihiya na akong kausapin siya.

Hinawakan niya ulit ang magkabila kong balikat at tsaka.....at tsaka...

Hina--

Hinali-

Hinalikan niya ko sa pisngi.

Ramdam ko ang pagmula ng buong mukha ko at may naramdaman kaming nag-flash sa may pintuan na parang galing sa isang camera. Napatingin naman kami agad sa may pintuan at wala na kaming nakita pero may narinig kaming tumatakbo sa hallway. Hindi to pupwede.

Hahakbang na sana ako para mahabol ang kumuha sa amin ng litrato. Lagot ako nito. Hindi maaring may kumalat na balita mas mawawala ang focus ko. Hahabulin ko na sana kumuha ng litrato nang hinawakan niya ang kamay ko. "Huwag na. Pabayaan mo na yon. Wala lang magawa ang taong yon." Sabi pa niya at ngumiti.

"Bakit? Malalagot tayo nito." Hindi ba siya naiinis man lang sa ginawa ng kumuha ng litrato na iyon? Hindi ba siya naiilang? A-Ano bang meron sa taong ito at para bang napakagaan niya sa sa lahat ng bagay?

"Hindi naman masama ma-link sayo eh." at kinindatan niya ako. Napanganga na lang ako sa sinabi niya. "It was a 'sorry kiss'. Baka nagtataka ka." Sabi pa niya habang nakangiti sa akin na nakakaloko. Parang kanina lang, halos idiin niya ako sa locker tapos ngayon naman bigla siyang humalik sa pisngi ko? Seryoso, anong problema ng lalaking to?

"Pare, tara na! Kanina ka pa namin hinihintay sa may parking lot." Nakita ko si Vince sa may pintuan at tinatawag si Ash.

Tumingin si Ash siya sa akin at nagpaalam na. Iniwan niya akong nakanganga pa rin dito. Pero sa ilang minuto na iyon, bigla kong nakalimutan ang tungkol sa mga killers. Dapat akong mag-ingat simula ngayon baka hindi lang si Ash ang nagaakala na killer ako. Baka mamaya may pumatay na lang sa akin nang bigla dito. Delikado talaga.

Kinuha ko ulit ang singsing mula sa bulsa ko. Isang bagong ebidensiya nga ngunit isang bagong misteryo rin. Hindi ba nila sinasadya na ilagay ito mismo sa timba? Pero bakit? Baka... baka... gusto nilang lumapit ako sa kanila? Baka... hinahayaan nila akong mahulog sa bitag nila. Dahil kung hindi talaga nila sinasadya ang lahat ng ebidensiyang nakuha ko... baka matagal na nila akong tinapos..

Ano ba talaga ang kinalaman ko sa kanila?


--------------------x

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon