C49: The one who sets fire

156K 3.4K 1.1K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

--

Nichole's POV


Unti-unting lumapad ang ngiti ko nang nakita kong papalapit sa akin si Summer, si Akira. Ngumiti siya sa akin ngunit iba ang sinasabi ng mga mata niya. Alam kong alam na niya ang balak ko. Hindi siya tanga at lalong-lalo ng hindi siya manhid.

Papunta siya sa pangalawang palapag ng abandunadong gusali ngunit tumigil siya ng ilang sandali sa gilid ko at nagsalita.

"Siguraduhin mo lang Nichole. Tandaan mo, babalikan kita kapag di ko nagustuhan ang munti mong regalo." Mas lalo akong napangiti sa narinig ko. Sigurado ako. Siguradong sigurado ako.

"Magugustuhan mo. Kaunting hintay na lang." Tumingin ako sa mga mata niya. "Malapit na."

Bukod sa mga ngiti niya ay ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya bago siya pumanhik sa taas. Pagka-akyat na pagka-akyat niya sa hagdanan ay pinatay ko lahat ng ilaw nang nakita ko ang pagdating nila..

Ang mga palamuti sa munti naming palabas.

Kinuha ko ang malaking kahoy na nakasandal sa pader, ilang hakbang malayo sa kanila. Hinawakan ko ito nang mahigpit at dahan-dahan akong tumawid sa kabilang dulo ng kinalalagyan namin.

Nasanay na ko sa dilim.

Ramdam ko ang bawat paghakbang na ginagawa nila papalapit sa kinatatayuan ko. Lumayo ako at pumunta sa may likod nila nang narinig ko ang sinabi ni Ash.

"Teka, ano yon?" Muntik na niya akong matapatan ng ilaw na hawak nila nang... "May tao." Sa pagsabi niya na yon ay hinanda ko na ang pagpalo ko ng kahoy sa mga ulo nila.

Napangiti ako nang nakita ko ang pagbagsak nila.

Kinuha ko ang nalaglag na flashlight at hinatak si Ash sa kanan niyang kamay at nilagay sa isang kwarto malapit sa hagdanan. Iniwan ko naman ang flashlight doon at bumalik kay Denise. Magaan lang ang kanyang katawan kaya nakaya ko siyang buhatin hanggang sa pangalawang palapag ng abandunadong gusali na ito.

Nilapag ko siya malapit sa hagdanan at dere-deretso ako sa pangatlong kwarto sa kaliwang bahagi ng pasilyo kung saan naroroon si Akira. May ilaw dito sa pangalawang palapag kaya kitang-kita ko ang buong paligid.

Sa di malamang dahilan ay nagpalagay siya ng isa pang upuan sa silid na ito. Hindi ko na itanong kung bakit o para saan, basta alam ko, kasama ito sa plano namin, sa pagpatay kay Akira.

"Parating na siya." Pamungad ko sa kanya.

"Sino?" Tanong naman niya.

"Ang munti kong regalo."

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon