C16: Envy

240K 5.1K 1.3K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---

Ash's POV

Nasa dibdib ko si Denise at kanina pang iyak nang iyak. Kanina ko pa tinatapik ang likuran niya. Hindi ko alam kung ano ang nanyari basta pagkaalis ni Andy ay biglaan na lang tumulo ang mga luha ni Denise.

Napatigil kami sa paglakad papunta sa kotse ko. Nilingon ko muli si Andy na nakasakay sa kanyang motor. Parang wala lang para sa kanya ang pag-iyak ng best friend niya. Kinuyom ko ang kamao ko at parang gusto kong suntukin ang sira ulo na yon. Kapag nakita kong pinaiyak niya muli si Denise... hindi ko na siya mapapatawad.

"Denise, tahan na. Nandito naman ako e." Pero kahit anong sabihin ko... iyak pa rin siya nang iyak. Inalalayan ko siya habang papasok ng kotse at pagkapasok namin ay binigyan ko siya ng tissue. Hindi ko alam ang sasabihin ko... hindi ko alam ang gagawin ko para mabawasan ang lungkot niya. Dapat ko ba siyang pasayahin o damayan?

Pinaandar ko na ang kotse. Ilang minuto ang nakaraan na pareho kaming tahimik. Kanina pa niya hawak ang cellphone niya na para bang may hinihintay na tawag o text man lang. In-off ko muna ang music player.

"Alam mo..." Tumingin ako sa kanya nang sandali habang nagmamaneho. Pinupunasan na niya ang mga luha niya at medyo sumisingot singot pa. Tumingin din siya sa akin ."Handa akong maging best friend mo."

Hindi naman talaga ako magaling mag-comfort lalong lalo na sa mga babae. Aaminin ko, hindi ako sanay sa mga babae. Hindi man halata pero naiilang ako sa kanila. Iniwan kami ng nanay ko kaya simula dati ay hindi ko na natutunan na magtiwala sa mga babae hanggang sa nakilala ko siya.

Narinig kong tumawa si Denise. Tila isang napakagandang himig sa tainga ko ang tawa niya na iyon. May kaunting kiliti akong naramdaman sa puso ko.

"Iyan na ata ang pinakamagandang advice na nakuha ko." Sabi pa niya bago muling tumawa.

Napangiti na lang ako.

"Kaya mo pa ba Denise?" tanong ko sa kanya

"Ha?" nakangiti pa rin siya sa akin ngunit may pagtataka sa mukha niya. Itinigil ko ang sasakyan sa may gilid ng isang ilog. Tanaw na tanaw ang magandang view ng Maynila mula sa anggulong na ito. Gabi na rin at delikado na sa labas kaya nagpresinta akong hinatid na lang siya sa bahay nila.

"Ang mga ginagawa nila sayo... kaya mo pa ba?"

"Hindi ko alam. Siguro ngayon kaya ko pa." tugon naman niya.

"Paano kung wala ako sa tabi mo? Baka kung ano ang gawin nila sayo. Sinong magtatanggol sayo?" napatigil ako ng ilang segundo. "Denise tuwing wala ka sa paningin ko... hindi mo lang alam kung gaano ako nag-aalala. Hindi ako mapakali hangga't hindi ako nakakasigurado na ligtas ka."

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon