C39: Hush Hush

171K 3.7K 1.1K
                                    

                 

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1)   Wag magbasa sa comment section.

2)   Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

—-

Camille's POV


Hinawakan ko ang ulo ko habang dahan-dahan na bumabangon sa higaan.  Medyo nahihilo pa ako. Hindi ko mawari kung nasaan ako. Napakadilim sa loob at napakalakas ng ulan sa labas. Rinig na rinig ko ang malalakas na patak ng ulo sa bubong na kinalalagyan ko.

Ano nga ba ang nangyari? Paano ako napunta rito?

Ilang minuto ang nakaraan bago ako nakatayo nang maayos. Medyo nabubuwal ako kaya nanatili akong nakakapit sa dingding ng kinalalagyan ko. Ginagamit ko lamang ang pandama ko sa paglalakad. Sadyang napakadilim sa lugar na ito.

"Nasan siya?"

Isang boses ang narinig ko sa labas. Sa tingin ko ay nakadaan ako sa mismong pintuan ng kwartong ito. Agad kong hinanap muli ang pintuan na iyon. Dumikit ako sa pintuan na ito at nakinig sa nag-uusap sa labas.

"Nasa loob." Matipid na sagot ng kasama niya.

"Bakit mo ginawa yon?"

"Ang alin?"

"Huwag ka nang magmaang-maangan pa, alam mo ang tinutukoy ko."

"Bakit may problema ka ba sa—-" Natigil ang usapan nila nang hindi ko sinasadyang makagawa ng ingay.

Bigla akong kinabahan habang pinapakinggan ang mga hakbang ng mga paa nila papunta sa pintuan na naghihiwalay sa amin. Sa lugar kung san ako ligtas mula sa kanila. Napa-atras ako at umupo sa gilid habang yakap ang tuhod ko.

Hindi maari. Ayoko pa. Ayokong mamatay.

Narinig ko ang pagsuksok niya ng susi at pagpihit niya ng tatangnan ng pinto. Nagngingitngit ang mga ngipin ko kasabay ng patuloy na panginginig ng buong katawan ko dahil sa takot. Para akong batang walang kalaban laban.Isang batang madaming kinatatakutan.

Bumukas ang pinto at tila ba nabulag ako sa liwanag na galing sa labas ng silid na kinalalagyan ko. Ilang segundo ang nakaraan bago ako makakita nang maayos. Pagkadilat ko muli ay bumungad sa akin ang mukha niya.

Buo ang paniniwala ko dati na si Denise ang nasa likod sa mga sunod-sunod na pagkamatay ng mga taong malalapit sa aming lahat. Akala ko si Denise na talaga ngunit wala pa talaga akong alam sa mga nangyayari. Wala pala akong karapatan upang mambintang. Hindi ko akalain—-sila—-hindi ko akalain na kaya nilang gawin ito. Kaibigan, kaibigan ang tingin ko sa kanila.

Tinignan ko ang pagngisi niya habang hawak-hawak ang panga ko. Itinaas niya ang ulo ko sapat upang magkalapit ang mga mukha naming dalawa. Alam kong pinagtatawanan na niya ako dahil sa panginginig at paglikot ng mga mata ko na para bang sinasaniban ng kung anong masamang espiritu.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon