Chapter Five

162 4 0
                                    

Nasanay na marahil siya sa mga parinig ng iba pang estudyante kaya parang wala na lang sa kanya ang mga sinasabi ng mga ito kapag nagdaraan siya. Lalo pa nang malaman ng buong campus na siya ang official flower ng basketball team sa darating na tournament. Dedma? That's it! Nakakamanhid na kasi. Basta aral lang ng aral. Matatapos din ang taon. Magkakahiwa-hiwalay rin sila. At sa wakas, makakalayo na rin siya kay Damien. Kapag naiisip niya si Damien, awtomatikong susunod ang anino ni Tristan sa utak niya. Napangiti siya nang hindi sinasadya.

" Hey! What is that for?" siko ni Zoe sa kanya na nasa tabi lamang niya nakaupo. Kasalukuyan silang nagka-klase sa English.

Napalis ang ngiting napatingin siya sa kaibigan. " Oh! No-nothing. M-may naalala lang ako,"

" Kahapon ka pa ganyan. Is there something we don't know about you?" makahulugang tanong ni Zoe na pilyang nakangiti sa kanya.

Natutop niya ang bibig upang hindi mapalakas ang pagtawa. " Oh! N-nothing, really," aniyang umiling.

Tumango lamang si Zoe sabay na pasimpleng lumingon. Na sinundan niya rin ng lingon. Nagulat pa siya nang malamang ang tinutumbok ng mga mata ng kaibigan ay si Damien na seryosong nakikinig kya Mrs. Baron.

Tinaasan siya ng kilay ni Zoe nang ibalik ang paningin niya dito.

Oh,no! si Damien na ba ang crush ni Zoe? Hindi na si Tristan? Napangiwi siya.

" He's so damn handsome, isn't he?" nakangiting komento ni Zoe habang nakatuon ang pansin sa teacher na akalain mo ay talagang nakikinig.

" The whole world already know about that. What's new?" matabang niyang sagot.

Patagilid siyang tinapunan ng tingin ni Zoe.

" W-Wait!" aniyang pabulong. " Is it Damien, now? Paano na si Tristan?"

Sinimangutan siya bigla ni Zoe. " Don't mention that jerk! Ever!" anitong umismid pa sa kanya.

Oh, no! Napakagat-labi si Sarah at napalingon sa kaliwa kung nasaan si Tristan. Na nakatingin din sa kanya at napaka-tamis ng ngiti. At kinindatan pa siya. Napilitan rin siyang ngitian ito at muling ibinaling ang paningin kay Mrs. Baron. Hanggang matapos ang huling subject nila para sa maghapong iyon.

Pagkarinig ng dismiss mula kay Mrs. Baron ay mabilis na kumilos na ang mga kaklase niya. Kahit saan at kahit kailan talaga, dismiss ang paboritong subject ng mga estudyante.

" Sarah, wanna go somewhere before going home?" tanong ni Gaby.

" Ihahatid ka na lang namin," sabad ni Claire. Sabay sukbit ng bag nito sa balikat.

Napangiti siya. Excited na sasagot na sana siya nang may ibang taong sumagot para sa kanya.

" Sorry guys! We have to practice for the tournament," mabilis na salag ni Damien mula sa likuran nila.

" Sarah is not playing basketball, right?" tila irita si Gaby.

" She doesn't. The practice is for the entourage," nakangising sagot ni Damien.

" Entourage lang naman, di ba?" sabad ni Claire. " Puede namin siyang hinatayin?"

" Guys! bakit hindi na lang kayo sumama sa practice? Then after that we can go somewhere to unwind. Saturday naman bukas, di ba?" mabilis na salag ni Tristan.

" What?!" kulurot ang matang napatingin si Zoe kay Tristan. " Are you for real? You want to hang out with us? Since when the world became square?"

Napangiwi si Tristan. " Kung ayaw mong sumama, maiwan ka!" tila napupunding sagot ng binata.

" Tristan!" nagbabanta ang tinig ni Sarah. " Guys, next time na lang tayo lumabas. Practice daw muna kami," baling niya sa mga kaibigan sabay taboy sa mga ito.

My Princess Sarah [Completed]Where stories live. Discover now