Chapter 6

163 4 0
                                    

“ Damien!”

Mula sa pagdi-drible ng bola sa gym ay nilingon ni Damien si Seth, ang coach nila sa basketball. “ Yes,coach?”

Sumenyas ang coach sa kanya para lumapit na sinunod niya naman.

    “ Nagpa-practice ka ba o naglalaro ng tulog?” may pagka-iritang tanong nito nang makalapit siya.

   “ Coach?”

   “ Alam mo naman sigurong ikaw ang captain ball,di ba? You’re zoning out,son!” tiim ang bagang ni Seth. Hindi man sabihin, ay batid niyang irita ito.

Siyanga ba? Maybe? Kanina pa nga siya naa-alibadbaran sa nakikitang masinsinang pag-uusap ni Sarah at Tristan sa isang sulok. Sa tuwing mapapagawi ang paningin niya sa dalawa ay sa halip na sa goal niya naihahagis ang bola’y parang gusto niyang ibato iyon kay Tristan. He’s just been trying so hard to control himself from throwing the ball their way! Kanina pa siya practice ng practice samantalang si Tristan ay nakikipaglampungan kay Sarah. Pinagsisihan niya tuloy na sabihan si Sarah na hintayin siyang matapos sa practice at sabay na silang umuwi.

    “ Um, I’m sorry, coach,” tangi niyang nasambit. He tried to bounce the ball harder on the floor.

    “ Tristan!” halos pasigaw na tawag ni Seth sa nagulat pang binata at biglang napatayo at mabilis na lumapit sa grupo.

   “ Sorry, coach. May importante lang kasi akong---,”

   “ Okay! All of you!” sigaw ng tila galit na si Seth. “ Push up! One hundred times!”

   “ Coach!?” sabay-sabay na bulalas ng limang players.

   “ Now!” namumula ang coach sa galit sa pagiging iresponsable ng mga ito.

Matalim na tinitigan ni Damien si Tristan.

    “ What?” ani Tristan.

    “ What? This is all your fault. You cannot practice and paw at the same time!” gigil na bigkas ni Damien.

    “ Whoa! Me? I paw who?” protesta ni Tristan,sabay turo sa sarili.

   “ You two, shut up! Down! Now!” si Seth ulit.

Bago pa tuluyang binaba ni Damien ang katawan ay hindi niya naiwasang tapunan ng matalim ding tingin si Sarah na nakaupo sa may bleacher at nagtatakang nanonood sa galit na coach.

Napalingon sa kaliwa at kanan si Sarah. Sa akin ba nakatingin? Wala naman akong katabi. Ako lang naman ang nandito. At bakit naman ako titingnan ng matalim? May sumpong na naman? Hmmppp..kailangan masanay na ako. Isang taon na lang. Isang taon na lang. Mawawala ka rin sa buhay ko, gigil niyang usala habang iniwas ang tingin sa mga players na sabay-sabay na nagpu-push up at malakas ang mga tinig na nagbibilang.

My Princess Sarah [Completed]Where stories live. Discover now