Chapter Two

201 4 0
                                    

Nalingunan niyang hinahabol siya ni Tristan. Lalo niyang binilisan ang paghakbang. Kapag nga naman binati ka ng umagang kay ganda!

    “ Wait!” anitong humihingal sa paghabol sa kanya at inakbayan pa siya. “ Sabay na tayong pumasok,” anitong kinabig pa siya nito sa katawan ni Tristan. Ano ba ang iniisip nito? na mag-nobyo sila?

Ubos-lakas niya iyong tinulak palayo. Hina-harass na naman siya nito. naging ugali na ni Tristan na akbayan siya kahit saan siya makita.

    “ Layuan mo nga ako, Tristan!” sambakol ang mukha niyang hinarap ang kaklase. “ Isang beses mo pa akong akbayan, makakatikim ka na sa ‘kin,” banta niya at dinuro ito.

Natawa lang si Trsitan. “ Masama bang ma-miss ko ‘yung paborito kong nerd? Kanina pa nga kita hinihintay,e, tapos iyan lang ang isasalubong mo? Wala ba akong kiss?” anitong nilapit pa ang mukha sa kanya.

Sumulak ang dugo sa ulo niya. Kuyom ang palad na itinaas niya iyon sa ere. Ang balak niya’y padadapuin sa mukha ni Tristan nang:

     “ Sarah!”                             

Napalingon siya. Si Zoe, tumatakbong palapit sa kanya. “ Huwag mo na ngang pinapansin ‘yan. Halika ka na,” padarag siya nitong inakay sa classroom nila.

Hinihingal pa rin siya sa galit nang paupuin siya ni Zoe sa isang desk na nakalaan sa kanya. Kasama sina Gaby at Carlo, este Claire na nga pala ngayon.

    “ What happened?” usisa ni Gaby. Nagtataka at sambakol ang mukha niya.

    “ You know what jerks do, right?” sagot ni Zoe na tila may bahid din ng inis ang tinig.

    “ Damien? Tristan?” si Claire na nagkukutkot ng kuko na parang normal na lamang ang pinag-uusapan.

    “ Tristan, this time,” mabilis na sagot ni Zoe.

    “ Ang crush mo?” ani Claire. Kunwa’y nagugulat na huminto sa ginagawa.

    “ Shut up, Carlo!” Zoe snapped at him.

    “ Claire,okay?” tinirikan ni Claire ng mata si Zoe.

Pigil ang tawang nagkatinginan naman si Sarah at Gaby. Pagkatapos ay umiling. Hanggang bigla na lamang nanahimik ang mga tao sa loob ng classroom. At nang malingunan nila’y nakatutuok ang mga mata sa dalawang hudyong papasok pa lang ng silid aralan. Si Tristan at si Damien.

Umismid si Sarah at umiwas ng tingin sa dalawang ang tutok ng mga mata ay sa grupo niya. At hindi pa nakuntentong tumingin lang. Grupo pa talaga niya ang tinutumbok ng lakad.

    “ Hi, Nerdy! It’s so nice to see you again!” nakangiting umupo ito sa upuang nasa likuran niya. “ Did you miss me?” bulong pa nito sa batok niya na nagdulot ng kilabot sa buong katawan niya.

Nilingunan niya ito at nginitian ng pagkatamis-tamis. “ Oh! I do,jerk! Life was so boring without you!”

Lalong lumuwag ang pagkakangiti ni Damien. “ It’s my pleasure to hear it from you, nerd! Class, did you hear that? Nerdy’s life has been so dull without me around!” sigaw pa nito at tila nagyayabang sa buong klase.

Malakas na ohhhh!!!! at ahhhh! ang narinig niya mula sa mga kaklase. Pakiramdam niya ay bulkan siyang sasabog sa pang-aalaska ng binata. Kumuyom ang palad niya at akmang manununtok na naman. What the hell is he doing here in the Philippines? His parents can surely afford to send him abroad to study. Oh, yeah! The jerk is here to show her what the hell’s look like!

    “ Sarah,” ani Gaby na hinawakan ang kamay niya. Comforting her.

    “ Sarah, may bakanteng upuan sa may likuran. I think it’s better to stay away from them. Let’s go,” mabilis na kumilos si Zoe at hinagilap ang bag. Kumilos na rin si Claire.

    “ Hey!” ani Tristan na hinawakan sa kamay ang papalayong si Zoe.  “ Si Nerdy lang ang inaasar ni Damien, bakit naman pati ikaw ay lalayo?” kunwa’y napaka-amo ng mukha nito at nagmamakaawa kay Zoe.

Tumiim ang bibig ni Zoe at hinarap si Tristan na nakaupo sa likuran nito. “ Don’t start it with me, you’ll regret it,” banta ni Zoe kay Tristan.

Napa-oh si Tristan sabay hawak sa dibdib nito. “ Dude, I’m so scared!” baling niya kay Damien na mahinang humahagikgik. “  What else can you do except for reading books all day long, cupcake?” mayabang na tiningala ni Tristan si Zoe. May sarcasm sa tinig nito. At sadyang nang-aamok.

    “ Zoe, let’s go,” tila natatakot na hinaklit ni Claire ang braso ng tila umuusok sa galit na si Zoe. Batid nilang magkakaibigan na si Zoe ang may pinaka-maiksing pasensiya sa kanilang apat.

Napuno naman ng katatawanan ang buong silid sa maarteng pagsasalita ni Claire. “ Zoe,” natatarantang hablot ni Claire sa kaibigan. Maybe because he knows that Zoe is now getting riled up.

Muling nag-ibayo ang tawanan sa silid-aralan. Tinapunan ni Zoe ng matalim na titig si Tristan na nanghahamon pa ang titig kay Zoe bago tumalikod palayo.

     “ Feather with the same feather, flocks-,”

Hindi na natapos ang sinasabi ni Tristan nang biglang lumingon si Zoe at umigkas ang kamay nito sa mukha ni Tristan. Gulat na napabaling sa kaliwa ang mukha ng binata.

Ang lahat ay nahigit ang paghinga sa bilis ng pangyayari. Kahit si Damien ay napaawang ang bibig sa nakita.

    “ At least, I’ve warned you, jerk!” ani Zoe na tumalikod na subalit hindi sumunod kina Sarah. Tumuloy ito sa labas ng classroom habang sinusundan ng tingin ng lahat na natulala sa ginawang pagsuntok kay Tristan.

Napabunghalit ng tawa si Sarah. Dahilan upang mapadako sa kanya ang paningin ng lahat. “ Already found your match, Mr. Confidence?” nanghahamong tanong niya kay Tristan. Tsaka niya binalingan si Gaby na nagpipigil din ng tawa.

     “ Oh,gosh! Remember your first day of your senior year, jerk!” ani Gaby.

Nahawa na rin sa pagtawa ang iba pa nilang kaklase samantalang pulang-pula ang mukha ni Tristan sa kahihiyan.

    “ Dude, she is something, I’m telling you,” ani Damien na tumatawa rin habang umiiling.

Marahil ay sa sobrang inis ay minabuti na lamang na lumabas ni Tristan ng silid-aralan. Habang patuloy lang sa pagtawa ang iba pang naiiwan.

Hanggang matapos ang klase ay hindi na nila nakita pa si Zoe at Tristan. Marahil ay kapwa nagpalipas na lamang ng sama ng loob kung saan. Mabuti na lamang at orientation lamang ang nangyari sa buong maghapon.

Maaga din silang pinauwi nang araw na iyon. Kaya tuwang-tuwa siya. Makakatulong pa siya sa mansiyon. At makakatulog siya nang maaga. Halos ilang oras lang ang itinulog niya kanina. Kaya babawi siya pagkatapos ng trabaho niya sa mansiyon.

My Princess Sarah [Completed]Where stories live. Discover now