Chapter Seven

149 4 0
                                    

Pauwi na sila ni Sarah nang sabihan niyang mauna na itong lumabas at antayin siya sa labas. Katatapos lang ng practice nila. Nagmamadaling umalis si Tristan at kanina pa umuwi ang mga kaibigan ng dalaga. Buong akala niya’y nasa labas na ito kaya nagulat siya nang madaanan niya ito sa may restrooms na tila may sinisilip sa ladies’ room. Kuryosidad, dahan-dahan siyang lumapit sa likuran ni Sarah at sumilip rin sa banyo ng mga babae. Nagulat pa siya nang makita si Tristan na may kahalikang babae sa loob ng banyo. Kung hindi siya nagkakamali ay isa iyon sa mga cheerleaders ng third year. Na sa pagkakaalam niya’y head over heels kay Tristan. Kung tama ang iniisip niyang may gusto ito kay Sarah, why is he now making out with that chick? Isa ba si Sarah sa mga prospect nitong lokohin? No! can’t be happening, aniya sa sarili.

 Narinig niyang napasigok si Sarah.

     “ Liar!” tiim ang bagang na narinig niyang sambit ng dalaga sabay na pumihit ang mga paa nito marahil ay upang humakbang palayo sa lugar na iyon subalit sa halip ay bumangga sa dibdib niya ang noo nito.

     “ Ouch!” sambit nito sabay tutop sa noo. Nagulat pa ito nang tingalain siya.

   “ Damien!” anitong mabilis na nagpunas ng luha sa mga mata.

Umiiyak ba ito dahil nasasaktan sa nasaksihan na gawain ni Tristan? Parang may kumurot sa puso niya. He perfectly know if a girl cry over a boy. Is Sarah got something to Tristan?

   “ D-Do you like Tristan, Sarah?” gusto niyang kumpirmahin ang namumuong idea sa pagkakalapit nila ng kaibigan niya.

Umiiling lamang si Sarah at napayuko.

   “ So, why the tears then?” nahihiya lang ba itong umamin sa kanya? Hindi niya ito masisisi kung sakali. Marami ang nahuhumaling sa bestfriend niya. Kung isa si sarah sa mga iyon ay kailangan niyang alamin. At pigilan. Tristan don’t deserve having Sarah! And who deserves Sarah, then? He?

   “ He is such a big liar!” anitong hindi na itinago ang mga luhang muling naglandas sa pisngi nito. Pagkatapos ay tumingala sa kanya. nasa mata nito ang galit.

   “ And why is that? Did he-,”

   “ He’s been asking me about Zoe. I even agreed to help him. But now you see? He’s making out with that girl! Mga sinungaling talaga kayo!” patulak siya nitong nilampasan at humakbang palayo sa kanya.

Natawa siyang hinablot ang braso ni Sarah at pinaharap sa kanya.

    “ You cry as if you’re the one who’s being dump here?”

    “ I feel hurt for Zoe. Hindi mo kasi alam na crush din Zoe si-“ Natutop ni Sarah ang bibig at napatingin sa kanya. Kita niya ang pamumula sa pisngi ni Sarah.

    “ So, the feeling is mutual between them?” nakangiting tanong niya. Inaamin niyang nakaramdam siya ng relief. So, ito ang dahilan kung bakit halos hindi na hiwalayan ni Tristan si Sarah? Natawa siya para sa kaibigan. Kailan pa ba naduwag ang binatang manligaw sa babae? At kinailangan pa niya ang assistance ni Sarah? Oh! Maybe, because, Zoe is a bit of a tomboy?

My Princess Sarah [Completed]Where stories live. Discover now