Chapter Eight :)

145 4 0
                                    

Hindi malaman ni Sarah kung paanong haharapin si Damien. Hindi niya rin malaman kung saan ito naglagi noong Saturday at kahapon, Sunday. Nagtrabaho siya sa mansiyon pero maghapong hindi niya nakita ang binata. Hindi niya magawang mag-usisa kay Nanay Nita niya dahil ayaw niyang isipin nitong hinahanap niya ang binata. Isa pa ay alam ni Nita na hate na hate niya si Damien. Pinagtataka lamang niya ay parang malayang binibigyan ng permiso ni Nanay Nita niya na maglabas-pasok si Damien sa quarter nila. Sabihin pang sa mismong silid niya. Hindi lang ba mga kabataang babae ang kaya nitong paikutin sa palad nito? Pati mga kasambahay nila? Hindi na nga naman dapat siyang magtaka. Anak nga naman ng amo si Damien. Pero kahit na. Tama bang payagan ni Nanay Nita na bantayan siya ng binata ng halos magdamag noong nilagnat siya? Aaminin niyang hungkag ang bawat sandaling hindi niya nasisilayan si Damien. Tama ba ang nararamdaman niya? Ang galit niya noon kay Damien, ay pag-ibig na pala ngayon?

Napangiwi si Sarah nang matanawan niya si Damien sa lobby ng school. Mag-isa lang itong nakatayo doon. Nasaan si Bianca? Oh, si Bianca marahil ang hinihintay nito. Kinurot ang puso niya. May nobya nga pala ang lalaking nagma-may ari na ng puso niya ngayon. Tama lang siguro kung umiwas muna siya kay Damien. Bago pa may masaktang ibang tao. Bago pa siya makita ni Damien ay mabilis na siyang pumasok sa library. Naginitian niya ang librarian matapos bumati ng good morning. Tumuloy siya sa pinalikuran ng silid-aklatan. Doon muna siya maglalagi hanggang mag-bell na siyang hudyat ng simula ng lahat ng klase. Paliko na siya sa tinumtumbok niyang puwesto nang may maulinigan siyang mga anas sa pinakasulok din ng library. Dahan-dahan ang hakbang na kumubli siya sa isang bookshelf tsaka bahagyang sumilip. Nandidilat ang mga matang natutop niya ang sariling bibig niya. Bakit nga ba hindi ay hindi niya inaasahan na makita ang dalawang taong ni sa hinagap niya ay hindi niya inaasahang maglalapit. As in magkalapit-magkalapit ang mga katawan. Nakapako ang katawan ni Zoe sa dingding ng library sa katawan ni Tristan. Sa tingin niya ay nagpupumiglas si Zoe subalit hindi gustong pakawalan ni Tristan.

   “ Let me go, Tristan!” anas ni Zoe na matalim ang tingin kay Tristan na nakapikit habang nakadikit ang noo sa noo ni Zoe.

   “ Not until you give me a chance, Zoe. Please? I love you. Please, believe me,” nanggagalaiting sagot ni Tristan.

Natutop niyang bibig ni Sarah. Umamin na si Tristan? Hindi na ito nakapag-hintay na tulungan niya? Hindi niya napigilan ang ngiting sumilay sa mga labi niya. Nagdiriwang ang puso niya para sa kaibigan. May ngiti sa labing nagpasya siyang iwanan ang dalawa. Panatag na ang kalooban niya. Pumihit ang mga paa niya para lisanin ang lugar na iyon nang bumangga siya sa matigas na dibdib ni Damien. Pigil na singhap at natutop niya ang bibig nang tingalain ito.

   “ What are you doing here?” anas niya sabay na nilingon ang dalawang sinisilip niya.

Sinundan ng tingin ni Damien ang mga mata niya. Tsaka lamang ito napangiti sa kanya.

   “ No! How can you expect me to believe you. As if I don’t know your reputation here,” anas ni Zoe.

Malinaw sa pandinig nila ang lahat ng pag-uusap ng dalawa.

   “ Let me prove it to you, Zoe. Please?”” nagmamakaawa si Tristan.

Pasandal din siyang tinulak ni Damien sa bookshelf at tinitigan siya. Kinabog ang dibdib niya sa mga titig nito. Tila nawalan din ng lakas ang mga tuhod niya. Nanunuyo ang lalamunang tiningala niya ang binata. sabay anas na: “ Let’s go. They’re fine now,” ang totoo ay gusto niyang ilayo ang sariling katawan kay Dmaien. Bago pa may mahalata sa nararamdaman niya nang mga oras na iyon ang binata.

Hindi tuminag si Damien. Patuloy lamang itong nakatitig sa kanya habang tutok ang pakikinig sa dalawa.

   “ Zoe, please? Just tell me what do you want me to do?”

My Princess Sarah [Completed]Where stories live. Discover now