Chapter One

431 5 0
                                    

CHAPTER ONE

Kanina pa siya hapung-hapo. Kung hindi lang naaawa siya kay Nanay Nita niya’y nagpaalam na sana siyang magpapahinga na. Ang kaso’y kailangang matapos ang pag-aayos nila sa hardin ng mga MonteCarlo. Darating ang mag-amang MonteCarlo mula America. At nagkataong kaarawan din ni Mrs. Agatha Montecarlo. Kaya lahat ng dapat lutuin ay kailangang matapos. Tumutulong siya kay Nanay Nita sa kusina. Samantalang ang iba pang mga katulong ay nag-aayos ng mga lamesa sa hardin.

    “ Sarah, anak. Malapit na naman akong matapos dito’y magpahinga ka na kaya. At umpisa na ng pasukan sa eskuela bukas,” si Nanay Nita niya iyon habang nagpupunas ng pawis sa mukha.

Napangiti siya. “ Maaga pa naman , Nay. Tapusin na lang natin ‘to,”  sagot niyang sinisimulan niya ng iligpit ang mga hugasin at nilalagay sa lababo at ng mahugasan niya.

      “ Ano bang maaga? Aba’y alas onse na. Bale ba’y niluluto ko lang ang ibang dapat lutuin para bukas. Sige na at maligo ka na at matulog,”

     “ Oo,nga naman, Sarah,” sabad ni Merlyn na may mga bitbit ding mga paso. Si Merlyn ay dalawamput-pitong gulang, isa sa apat ng katulong ng mga Montecarlo. Huwag ng ibilang si Nanay Nita. Ang isa pa ay si Loida, dalawamput-siyam na taong gulang, na nakatoka naman sa pamamalantsa at paglalaba. Si Boggs na driver ng pamilya at si Gunday na nakatoka sa hardin. At siya, si Sarah, na labing-anim na taong gulang. Paaral ng mga Montecarlo. At si Nanay Nita niya na siyang kumupkop sa kanya mula nang mamatay ang mga magulang niya sa isang aksidente.

     “ Sige na, Sarah. Kami na bahala dito ni Nanay Nita. Kami na rin ang maghihintay kilaSenyor Alfred at senyorito Damien,” alas-dos ng medaling araw ang inaasahang paglapag ng mag-ama sa airport. At naroon na sina Mrs. Agatha at Boggs sa airport para sunduin ang mga ito.

    “ Salamat, Ate Merlyn,” nakangiting humalik pa muna siya kay Nita bago tuluyang lumabas ng kusina gamit ang pintuan sa likuran ng bahay. Tinungo niya ang maid’s quarter na nakahiwalay sa mismong bahay ng mga Montecarlo. Isa iyong bungalow na sadyang pinatayo ng pamilya para sa mga katulong. May dalawang toilet. Isang kusina. Isang sala. Apat na silid para sa kanilang mga tagapag-silbi. Iyon ang masayang tahanang nakagisnan niya mula nang mapunta siya sa poder ni Nanay Nita niya. Paano kasi’y lahat ng mga katulong ay laging masaya sa tuwing matatapos ang buong maghapong pagtatrabaho sa mansiyon. Hindi nawawala ang biruan bago matulog o magpahinga. Si Loida at Merlyn ay itinuturing ng mga matandang dalaga at wala na daw balak mag-asawa gawa ng mga failed relationship. Si Boggs naman ay malayo ang pamilya kaya minsan lamang ito nakakauwi ng Haniway.

Dumiretso si Sarah sa banyo at naligo. Pagkatapos ay inihanda ang school uniform na gagamitin bukas kasama ng iba pang mga gamit sa eskuelahan. Kung tutuusin ay dapat ay excited siya sa unang klase niya sa school bukas. Kung hindi lang babalik si Damien at doon pa rin sa school niya ito papasok. Umpisa na naman ng kalbaryo niya.

Di bale na,kausap niya sa sarili niya habang inaayos ang higaan niya. Huling taon na naman niya sa high school at maari na siyang humiwalay ng eskuelahan kay Damien. Pagsisikapan niyang hindi sila magkakapareho ng eskuelahan ng kababata niyang wala ng nakita kundi siya. Kasama pa ng mga kaibigan nito sa basketball. Lalo na ang Tristan na iyon! Grrr!

Alas –singko pa lamang ay gising na siya. Iyon ang normal niyang gising kapag may pasok sa school. Alas-siete kasi ang simula ng klase niya. Hindi na siya nagtaka kung wala na siyang nadatnang gising sa mga oras na iyon. Batid niyang nasa mansiyon na ang lahat ng kasama niya sa bahay. Kaarawan ni Senyora Agatha kaya abala ang lahat. Mamaya, pagkagaling sa school ay tutulong naman siya sa mansiyon.

Napailing siya nang paglabas niya ng kusina ay may nakahain ng makakain niya. Ano’ng oras kaya nagsi-gising sila nanay? Ang aga pa at nakapag-luto pa na kakainin ko. Puyat na nga kagabi ay maaga pang nagising, aniyang nag-painit ng tubig para sa kape niya. Pagkatapos kumain ay tumuloy na siya sa banyo at naligo. Nagbihis ng school uniform. Puting longsleeve iyon na may navy blue na necktie na may nakaukit na initials ng St. Louise Academy at navy blue din na pleated skirt. Itim na sapatos at puting medyas. Hinayaan niyang nakalugay ang mahaba at tuwid na tuwid niyang buhok. Gustuhin man niya iyong itali ay hindi maari dahil basa pa ito. Naglagay ng kaunting pulbos sa mukha atsaka nilagay ang salamin sa mata. Hindi naman gano’n kalabo ang mga mata niya kaya kailangan niya ang salamin. It’s because of astigmatism. Isinukbit niya ang bag sa balikat tsaka tinungo ang pintuan. Kailanagan niya pang maglakad papuntang eskuelahan. Beinte minutos din naman ang mauubos niya sa paglalakad. At iyon ay mula lamang sa bukana ng malawak na gate ng mga Montecarlo. Mula sa mismong tahanan ng mga ito ay another ten minutes pa.

My Princess Sarah [Completed]Where stories live. Discover now