Chapter Nine

121 4 0
                                    

Nagisng siya sa malakas na vibration ng cellphone sa ilalim ng unan niya. Pupungas-pungas niyang sinuri ang orasan sa ibabaw ng side table niya. Ugghh! Two-o’clock in the morning! Sino naman ang walang magawang tatawag sa kanya sa ganuong dis-oras ng gabi? Kinapa niya ang cellphone at hindi na siya nag-abalang suriin ang caller.

   “ Hello! Kung sino ka man, puede bang matulog muna?” histeryang bungad niya.

   “ Good morning, Sarah,”            

   “ D- Damien?” gulat niyang tanong. Bakit gising pa ito?

   “ Can you go out for a while? In our garden?” nakikiusap na tanong nito.

Alas-dos na ng madaling araw. Ano ang gagawin nila sa labas?

   “ Please, Sarah?”

   “ O-Okay, I’ll be there in a minute,” nag-hung up siya at nagmamadaling pumunta ng banyo. Nag-toothbrush at inayos ang sarili. Sinuri niya kung okay ba ang pajamang suot bago dahan-dahang binuksan ang pintuan at lumabas.

Nadatnan niya si Damien na nakaupo sa isa sa garden set. Nakatingala ito sa langit. Napangiti siya at patakbong tinungo ang kinaroroonan ni Damien.

    “ Hey! Is that a meteor shower?” aniyang nakangiti habang nakatingala.

Tumayo si Damien at sinalubong siya. “ Yep,” sagot nitong nakatingala na rin.

Unang naisip niya ay pumikit at mag-wish. Marami siyang wish. Makatapos siya ng pag-aaral. Makakita ng magandang trabaho. Magkaroon ng masayang pamilya,with two kids in it. One boy, one girl. And finally, bakit biglang na lang pumasok sa isip niya si Damien bilang ama ng mga anak niya?

    “ Kasama ba ako sa mga wish mo?” bulong ni Damien sa taynga niya.

Yes! At sana maging totoo. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Binalingan ang binatang ilang pulgada lang ang layo ng mukha nila sa isa’t-isa. Ngumiti ito sa kanya sabay na hinapit siya sa baywang ay tuluyang pinaharap sa binata.

Bigla ay tila kakapusin siya ng hininga sa sobrang tense.

    “ Breath, Sarah,” anas nito.

Hindi ba siya humihinga?  Hindi niya napansin iyon. “ D-damien?”

    “ Do you want to know my wish?”

    “ S-sasabihin mo ba?”

Napangiti lamang ito at hinawi ang ilang hibla ng buhok sa mukha niya.

    “ I wished that I could spend the rest of my life with you,”

Napasinghap siya. Tama ba ang narinig niya? “ W-Why me?”

Kulurot ang mga matang tinitigan siya nito. “ Why you’re so dumb?”

Pakiramdam niya ay susuntok siya ng tao. Gigisingin siya nito, sasabihang he want to spend the rest of his life with her, and now she’s asking for a reason, he called her dumb?

    “ Oh! I’m dumb! I just never assume things that are not officially confirmed! And thank you for waking me up at the break of dawn just to call me such! And please, don’t wish under those meteors that you wanted to spend your whole life with a dumb like me! Good morning!” nagpupuyos na pumihit siya at nagsimulang humakbang palayo. Hindi pa man siya nakakakilos ay maagap ng nahawakan ni Damien ang kamay niya at puersahang pinigilan siya.

    “ I love you, Sarah,”

Halos pabulong lamang na sinabi iyon ni Damien subalit pakiramdam niya’y nabingi siya. O, kabog ng dibdib niya ang naririnig niya? Bigla ay parang may nagbara sa lalamunan niya. Walang salitang gustong manulas sa bibig niya. Nang magtangka siyang magsalita’y hikbi ang nanulas sa mga labi niya.

My Princess Sarah [Completed]Where stories live. Discover now