Chapter 10: Don't push me away

374 17 2
                                    

Chapter 10

I'm back to work again! Wooh nakakapagod itong photoshoot namin. Wala kasi si Mother kaya ibang tao ang nag lelead sa shoot na ito. Ang nakakainis pa ang choosy. Gusto niya pati akong photographer ay mag dadapa o humiga higa. Maganda naman yung anggulo ko. Trip lang niya talaga akong pagurin. Para daw marami siyang choices kung saan maganda ang anggulo nung modelo.

Pssh, choosy.

After ng ilang click ko sa camera

"Okay na guys!" sigaw nung sub ni Mother. Napatingin ako doon sa model na kinuhanan ko. Di pa kasi siya umaalis sa gitna at nakatingin siya sa akin. Maganda siya syempre modelo eh. Slim at morena.

Lumapit siya sa akin at inabutan ako ng papel. Pero bago ko pa mabasa yung nakasulat doon lumapit sa akin si Kaylee.

"Pwede ka ba mamaya?"

"Ciel!"

Di ko alam kung sino ang papansinin ko. Si Kaylee ba? O yung sub ni Mother na choosy? Pero mas pinili kong pansinin si sub choosy mother.

"Ang panget nitong anggulo na ito. Akala ko magaling ka?! Sabi sa akin ni Mother Earth professional ka daw! Eh parang amateur na nagprapractice ka lang sa camera ah!!"

Napangiwi ako sa sigaw nitong baklang ito. Napatigas ang hawak ko sa camera ko. Iniinsulto ako nito ah. Kahit kailan hindi ako ginanito ni Mother. Ibubuka ko na sana yung bibig ko nung nilapitan nung model yung baklang choosy na iyon para lumayo.

Si Kaylee nakatingin lang sa akin. Ewan ko ba bigla akong nadisappoint. Alam kong malaki ang power ni Kaylee dito pero wala siyang ginawa. Hinayaan lang niyang baklang iyon na gumawa ng iskandalo.

Humarap ako sa kanya,

"Sorry hindi eh." tapos tumalikod na ako para magligpit. Nilagay ko sa wallet ko yung papel. Baka calling card.

Pagkauwi ko sa bahay mga past 6 pm na. Nasa labas pa lang ako ng gate may naririnig na akong ingay. Hindi kaya?

"Caloy!!!!" sinasabi na nga ba. Sinalubong ako ni Miguel sa gate. At yayakapin pa ata ako.

"Tumigil ka nga. Bakit ka nandito?"

"Hindi lang ako, nandito din sila!" pumasok ako sa amin at napanganga ako dahil nag iinuman ang tropa pero ang malala si LynLyn at Fyglia din ay umiinom.

"LynLyn!!!" sigaw ko sabay lapit sa kanya para higitin yung baso.

"Ano ba kuya?! Tubig lang yan!" inamoy ko yung baso at tubig nga. Pahiya ako doon ah. Si Fyglia naman kausap si Isaiah mukhang nagkakamabutihan yung dalawa dahil tawa ng tawa si Fyglia.

"Napadalaw ata kayo?" tanong ko kay Louie na umiinom sa San Mig na dala nila.

"Miss ka namin. Bar hop tayo?"

"Sure!!!" sigaw ni Miguel.

"Call" sabay na sabi ni Patrick at Isaiah. Akalain mo yun aware pa din si Isaiah sa usapan namin dito kahit kausap niya si Fyglia.

"Sama natin si Fyglia!" sabi ni Miguel. Nagulat naman ako nung nagtinginan ang apat sa akin. Bakit sa akin?!

"Edi isama. Pakielam ko dyan." tapos pumasok na ako sa kwarto para ilapag yung bag ko sa kama at magpalit ng polo. Narinig ko sinabi ni Isaiah,

"Kitams? Hindi niya talaga gf si Fyglia."

Fyglia's Standpoint


Binigyan ako ni Lyn ng isang aklat para daw makatulong sa akin na maintindihan ang isa pa nilang linggwahe. Nung binuksan ko ito laking gulat ko ng maintidihan ko ang mga letrang nakasulat doon. Paano iyon nangyari? Napatingin din ako sa pinapanood ni Lyn dahil naiintindihan ko na ang ibig sabihin nila.

Fyglia's EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon