Chapter 3: Pain

2.8K 43 0
                                    


.

>>> He Is Mine My Gay Best Friend <<<


~To everyone going through anything struggle or pain right now,

Keep your head up, and keep smiling

God Heals All."



"Andrea..." May mahinang tinig akong narinig kasunod nun ang mga mahihinang yugyog.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko.

"Nanaginip ka..." May pag-aalala sa mga mata nya.

Dreaming? Panaginip nga ba o karugtong ng katotohanan?

Mapait akong napangiti.

"Paul... kelan ako lalabas dito?" mahina kong tanong sa kanya.

"Baka bukas pwede ka nang lumabas lalo na siguro kung titigil ka na sa pag-iyak" Pilit s'yang ngumiti sa akin, halata namang nag-aalala siya sa akin.

"Thank you Paul, I owe you a lot." This time kahit sobrang sakit ng mga pinagdadaanan ko ngumiti ako sa kanya kahit kaunti.

Huminga muna sya ng malalim bago hinawakan yung mga kamay ko he staring at me. "What happen?" Malumanay niyang tanong.

Here we go again, I think kailangan ko talaga sabihin sa kanya kahit sobrang sakit alalahanin at isipin ang mga nangyayari sa amin.

Huminga muna ako ng malalim pinipilit tanggalin ang mga nakabarang pahirap sa damdamin ko pero Shit! Hindi pa ko nag-uumpisa naiiyak na ako, naalala ko naman kung paano sya naglakad papuntang aisle, kung paano sya sumagot ng 'I do' at kung paano niya bigkasin ang 'Vows' niya ang sakit... sobrang sakit parang pinupunit ang puso ko.

"Andrea...."

Tumingala ako para kahit papaano maampat ang pagluha ko, at makahinga na rin.

"I donno... alam mo yung ang saya-saya ko ng pumunta ako dito, thinking that we'll cherish every moment, before I came here I imagine how he will be so glad that soon we can call ourselves 'Parent'...." Wala na bumaksak na ang mga luha ko. "I-I dreaming t-that he will sit beside me caressing my t-tummy and he'll talk to our b-baby how excited we are to have him." Basag na basag na ang boses ko pero wala nang babasag pa sa puso ko.

"Pero lahat ng yun... mananatiling pangarap at panaginip na lang...." Huminga muna ako pakiramdam ko konte pa mawawala na ako sa sarili dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hinagod hagod naman niya ang likod para kahit papaano lumuwag ang pakiramdam ko, nakikinig lang s'ya para bang tinatandaan niya lahat ng sinasabi ko.

"Pagdating ko dito akala ko masosopresa ko sya pero hindi ako pala ang nasopresa.... Ilang araw na akong nandito pero hindi niya ako kinausap... kahit tingin wala... alam mo yung ang lapit-lapit niya pero parang nasa kabilang mundo siya hindi niya ako nakikita... Hindi niya ako napapansin..." Mas lalo pang lumakas ang pag-iyak ko. Naalala ko ang mga araw na dumadaan siya sa harapan ko yung pinag-luluto ko siya pero hindi siya kumakain, yung pinaparamdam niya sa aking para lang akong hangin sa paligid niya, para narin niya akong pinapatay unti-unti. "Tapos isang araw... isang araw..." Napapikit na ako ng mariin. Shit! Kaya ko pa ba?

Sleeping With My Gay Bestfriend (Fan-fiction) &quot;He is MINE My Gay Bestfriend&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon